Lexianna Fah POV
Isang araw lang ang itinagal ni papa sa ospital dahil sa sakit niya. Hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa ng papa ko pero ang sabi ng mga doctor ay over fatigue raw siya at dehydrated kaya kinailangan pa siyang tusukan ng dextrose para maging okay ang lagay niya.
Ang sobrang pera na ipinadala sa akin ni mama ay nagastos din namin pambayad sa ospital mabuti na lang talaga at may natira pa kahit papaano para pambayad naman sa mga kinakailangan ko sa eskwela.
Maaga akong umalis ng bahay para mag-apply pa ulit ng part time job every weekend. Wala eh, kailangan ko na naman ng bagong trabaho dahil hindi na aabot ng katapusan ang perang naitabi ni papa dahil sa mga gamot na kakailanganin niya.
"Lexy?" si Nathan. He's taking Computer Science here in CAU, too. Galing sa mayamang pamilya and he was once a suitor of mine. Unlike the other guys who tried courting me, hindi niya minasama ang rejection ko kaya naging magkaibigan kaming dalawa.
Napatigil ako sa paglalakad para hintayin siyang makalapit sa akin. Nakasuot na siya ng uniporme niya pamasok habang bitbit ang bag niya.
"Uy, Nathan, kumusta?" tanong ko sakaniya.
"Ikaw kamo ang kumusta? Anong ginagawa mo rito? Bakit naglalakad ka eh ang init-init." nagtatakang tanong niya.
Napatingin siya sa hawak-hawak kong resume kaya hindi na ako nag-abala pang sumagot dahil mukhang alam naman na niya kung bakit.
"Panibagong part time job na naman? Hindi ba nagtatrabaho ka na sa convenient store tuwing gabi? Kaya mo pa ba?" sunod-sunod na tanong niya.
"Wala eh, kailangan."
"Tara na nga! Pumasok na tayo. Akong bahala, tutulungan kitang makahanap ng panibago mong part time job."
Wala na rin naman akong nagawa dahil binuhat niya na ang bag ko habang naglalakad kami papasok ng CAU. Hindi na rin ako nakatakas pa sakaniya dahil inihatid niya ako mismo sa building namin.
"Kapag nakahanap ako ng side line sasabihan kaagad kita. Pero sa ngayon, mag-aral ka muna riyan nang mabuti." paalala niya bago nagmamadaling unalis sa building namin.
It was a tiring day pero nagawa ko naman itong matapos. Pagkadismiss ng prof namin ay nagmamadali na akong nag-ayos ng gamit para umuwi. Mag-isa lang kase si papa sa bahay at walang nag-aasikaso sa kaniya ngayon doon.
"Lexy! Lexy!" si Nathan na naman.
"Nathan? Bakit? What happened?" sunod-sunod na tanong ko sakaniya.
Hinintay ko lang siyang mahabol niya ang hininga niya. Ewan ko ba rito akala mo palaging may emergency kapag siya ang tumatawag sa akin.
"You are looking for a part-time job, right?" he asked na ikinatango ko.
"I heard that there will be a race tonight at naghahanap sila ng Flag girl for the race!" excited na sabi niya.
"Race? Legal ba 'yan, Nathan?" tanong ko kaagad.
Knowing this guy, halos puro illegal din ang pinaggagagawa ng mga barkada nito at baka mamaya ay mapahamak pa ako sa gagawin nila.
"Ayun lang, hindi." alanganin siyang ngumiti habang kumakamot sa batok niya. "Pero malaki ang ibabayad nila tapos magti-tip pa 'yan sila kapag napanalo nila yung race."
Syempre kung illegal na gawain naman talaga ang ipagagawa nila sa akin ay malaki talaga ang kikitain ko.
"Safe ba talaga 'yan? Baka mamaya kung ano naman ang mangyare sa akin, Nathan!"
"Hindi, Lexy. Ako ang bahala sa'yo, hindi naman kita pababayaan eh. Sayo ko lang talaga unang in-offer 'to dahil malaki talaga ang ibabayad nila kase yung pusta sa race ay umabot ng 10 million!"
YOU ARE READING
The One I Once Loved (Bravo Series 4)
RomanceLexianna and Zeejei made a childhood promise to marry each other when they grow up. Their connection was deep and genuine. However, tragedy struck, causing to separate the two of them. Years later, Zeejei returns, eager to reconnect. She loves Lexi...