Lexianna Fah POV
"Pack your things, baby, yung good for three days lang." utos ni Zeejei sa akin habang nag-aayos ako ng sarili sa loob ng kwarto namin. Katatapos lang naming kumain dalawa ng hapunan kaya't naroon na siya sa may ibabaw ng kama naka-upo kandong na naman ang laptop niya.
"Para saan? Saan tayo pupunta?" gulat na tanong ko sakaniya.
"We're going to Isla del Bravo tomorrow, baby."
Nagulat ako sa sinabi niya. Agad akong napatingin sa kalendaryo sa phone ko. Dalawang linggo pa bago ang birthday nilang dalawa ni Zianah kaya nagtataka ako kung bakit kami magpupunta roon sa probinsya nila.
"A-anong meron? Bakit tayo pupunta roon?"
"It's my mamala's birthday." masayang anunsyo niya.
Nanlaki ang dalawang mata ko ng marinig ang sinabi niya! Natawa lang siya ng makita ang reaction ko kaya binato ko sakaniya ang suklay na hawak ko na ikinatawa pa niya nang malakas. Hindi man lang niya ako sinabihan ng mas maaga tungkol dito! Hindi man lang ako nakabili ng kahit na ano para regalo sa mamala niya.
"Don't worry, baby, bringing you there would be the greatest gift we can give to her, I swear. She would be so happy."
We spent the whole night packing our own things. Medyo natagalan ako dahil gusto kong magmukhang presentable sa ikalawang beses na pagkikita namin ng buong pamilya ni Zeejei.
"Zeej, pwede bang kuhain mo yung dress ko sa bahay? Sinabihan ko naman na si papa na ihanda 'yun." paki-usap ko sakaniya.
"Don't wear dress tomorrow, baby." sagot niya agad.
"Hindi naman bukas, sa sabado pa, sa mismong birthday pa ng mamala mo."
Kinabukasan ay puyat na puyat akong pumasok sa klase dahil sa pag-iimpake namin ng gamit ni Zeejei kagabi. Wala siyang pasok kaya pagkahatid niya sa akin sa university ay dumeretso na siya sa bahay para kuhain ang mga gamit na pinakukuha ko sakaniya.
"Parang pinuyat ka na naman ni Zeejei, Lexy, ah?" si Clarence, nakangisi.
"Nyare, 'te? Bakit ganiyan mga mata mo?" si Divina.
Na-upo lang ako sa may gitna nila Divina at Eloisa habang ang tatlo ay nakatingin sa akin. Mukhang naghihintay ng sagot ko.
"May nangyare na?" bulong ni Eloisa.
"Gago!" wika ko at hinampas ang braso niya na ikinatawa naman nung dalawa.
"Eh ano nga?" walang pasensya nilang tanong.
"Nag-impake lang kami ng mga damit kagabi. Magpupunta kase kami sa Isla del Bravo mamaya, birthday ng mamala niya."
"Wow! Parte ka na pala ng pamilya." pang-aasar nila.
"Kayo na ba ni Zeejei, Lexy?" tanong ni Clarence.
Hindi ako nakasagot at nanatili lang na nakatingin sakaniya. Mabuti na lang at saktong pumasok ang professor namin kaya natigil na kaming apat sa pagchichikahan.
Pagkatapos ng klase namin ay nagmamadali akong nagtungo sa President's office dahil doon ako pinapupunta ni Zeejei para sabay-sabay na umalis papuntang Isla del Bravo. Nakasabay ko pa si Kash sa may elevator, agad siyang yumakap sa akin at bumati habang papa-akyat kami sa may office.
"G-good afternoon po, Mr. Ashford." sabay naming bati ni Kash sakaniya.
"Good afternoon, too." Nakangiting bati niya sa amin.
Sumunod naman naming binati si Tita Ash na prenteng naka-upo sa harapan ni Mr. Ashford. Wala si Tita Ianah at tanging si Tita Ash lang ang nandito.
Maya-maya ay dumating na rin si Zianah dito sa opisina mukhang katatapos lang ng klase. Agad siyang niyakap at binati ni Kash dahil nanalo siya sa International Photography na sinalihan niya. May binili kaming regalo ni Zeejei para sakaniya na inabot ko rin sakaniya bago ako yumakap at bumati.
YOU ARE READING
The One I Once Loved (Bravo Series 4)
RomanceLexianna and Zeejei made a childhood promise to marry each other when they grow up. Their connection was deep and genuine. However, tragedy struck, causing to separate the two of them. Years later, Zeejei returns, eager to reconnect. She loves Lexi...