Lexianna Fah POV
"Hay kapagod!" bulong ko sa sarili ko ng matapos akong magre-stock ng mga items dito sa convenient store na pinagtatrabahuhan ko.
Sobrang sakit ng likod ko dahil kanina pa ako halos nakayuko dahil sa pag-aayos ko ng mga item dito. Isa pa hindi rin ako gaano makapagfocus sa ginagawa ko dahil ang nasa isip ko lang ngayon ay ang quiz namin sa isang subject bukas.
Gusto ko nga sana mag under time ngayong araw para magka-oras pa akong makapagreview bago matulog pero hindi ako pinayagan ng boss ko dahil wala ring papalit sa akin ngayong araw.
"Buti kinakaya mo pang magpart time job kahit ganiyan ang course mo." Si Paul, kasamahan ko sa trabaho.
"Wala akong choice." maikling sagot ko.
Kung may choice lang talaga ako ay mas pipiliin kong magfocus na lang muna sa pag-aaral ko kaysa pagsabayin pa ito ng trabaho.
"Tsaka ikaw din naman, ah? Medtech ka, 'di ba?" tanong ko ulit sa kaniya.
"Haha, oo. Wala eh, wala rin akong choice." sagot niya sa akin.
Natigil kaagad ang pag-chichikahan naming dalawa ng may biglang pumasok na mga customers sa loob.
Akala ko ay makakapagpahinga na ako kahit saglit lang after kong magre-stock ng mga items pero biglang dumagsa ang customers dito sa convenient store.
Halos dinner time na rin kase at uwian na rin ng mga estudyante sa University belt kaya marami ang bumibili ng mga rice meals before silang umuwi sa kani-kanilang mga dorm.
Halos mag-aalas dose na ng matapos ang shift ko. Overtime kami ni Paul ng halos isang oras dahil late dumating ang kapalitan namin! Wala naman akong magawa dahil bayad din naman 'yong oras namin ang kaso lang ay nabawasan naman ang oras para sa pagrereview ko.
"San ka, Lexy? Sabay na tayo." pag-aya ni Paul sa akin.
"H-hindi na, Paul. Dito kase ang daan ko, 'di ba roon ang daan mo pauwi?" sagot ko sakaniya.
Magka-iba kase kami ng daan pauwi kaya malabong magkasabay kami nito. Sayang nga dahil mas panatag sana ako kung may nakakasabay akong umuwi gabi-gabi mula sa trabaho.
"Ay, oo nga! Sige, mauna na ako. Mag-ingat ka pauwi!" sabi niya bago naglakad papalayo sa akin.
Nagmamadali na rin akong naglakad papunta sa may sakayan ng tricycle habang kinukuha ang wallet ko na nasa loob ng bag ko.
Kung minamalas ka nga naman talaga! Wala ng laman ang wallet ko maski piso pambayad ng pamasahe! Napahingang malalim na lang ako bago ko tignan ang kalyeng kailangan kong lakarin para lang makauwi sa bahay.
Imbes na inuubos ko na lang ang oras ko sa pagrereview para sa quiz namin mamaya ay kailangan ko pang mag-aksaya ng oras para maglakad pauwi. Mabuti na lang at hindi na masyadong delikado rito sa lugar namin dahil gabi-gabi ng may nakatambay na mga tanod at malakas na rin ang ilaw ng mga street lights kaya hindi ganoon kadelikado.
"Oh my gosh!" sigaw ko ng may matanaw akong isang babae na naglalakad papalapit sa akin.
Punong-puno ng dugo ang damit niya at halos nanghihina na rin siya dahil sa dami ng mga sugat niya sa katawan. Mukha siyang napagtripan sa lagay niya ngayon.
"H-help.." sabi niya na parang nagmamaka-awa pa.
Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya. Inilabas ko ang first aid kit na dala-dala ko bago ko siya pina-upo mismo sa gilid ng kalsada yung malapit sa may street light para makita ko.
"Lilinisan ko lang muna ang mga sugat mo para hindi maimpeksyon tapos magpunta tayo ng hospital. Sa itsura mo kase parang kailangan mong macheck mismo ng Doctor." paliwanag ko.
YOU ARE READING
The One I Once Loved (Bravo Series 4)
RomanceLexianna and Zeejei made a childhood promise to marry each other when they grow up. Their connection was deep and genuine. However, tragedy struck, causing to separate the two of them. Years later, Zeejei returns, eager to reconnect. She loves Lexi...