Chapter 3

904 41 5
                                    

Lexianna Fah POV

"Zeejei!" sigaw ko ng makita ko siyang naglalakad mag-isa sa corridor bitbit ang isang itim na duffle bag mukhang papunta siya sa office ng student council.

Hindi siya huminto sa paglalakad niya, hindi ata narinig ang pagtawag ko sa pangalan niya kaya mas binilisan ko pa ang paglakad ko para maabutan ko siya.

"Hi, Zeejei! Good morning!" nakangiting bati ko sakaniya.

Mabilis na tumagilid ang ulo niya habang nagtatakang nakatingin sa akin. Titig na titig siya sa mukha ko na akala mo ay sinusuri niya ito.

"Hello?" hindi niya siguradong sagot sa akin.

She's so weird! Hindi ko alam kung limot niya na ba talaga kaagad ako or she's just acting up that she don't know me.

"Nakalimutan mo na kaagad ako?" tanong ko sakaniya.

Mabilis siyang umiling habang pilit na nakangiti mukhang nag-iisip ng palusot na sasabihin sa akin.

"Of course not!" depensa niya kaagad.

"So, who am I?" tanong ko at tinaasan siya ng isang kilay.

"I'm sorry." sabi niya. "Nakalimutan ko ang name mo marami kase akong inaasikaso lately, I'm so sorry, Miss?"

Patago akong napahinga nang malalim dahil sa palusot niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi eh.

Ano 'yun? Ang hirap na nga niyang landiin, ang hirap pang ipaalala sa kaniya ang pangalan ko.

I tried to calm myself kahit badtrip na badtrip ako sa ugali ng isang ito. Kung hindi ko lang talaga kailangan yung mga pinusta ng mga kaibigan ko sa bet na ito hindi ko ito gagawin eh.

Bakit ko naman ipipilit ang sarili ko sa ganitong klaseng babae! Kapanget talaga ng ugali nakakainis.

"Miss?" pagtawag niya.

Napa-irap ako sa kawalan bago ko sinalubong ang tingin niya. I forced a smile when I look at her.

"Lexianna, Zeejei. I am Lexy." pagpapakilala ko ulit.

"Yeah, right!" masayang sigaw niya. "The hotsilog girl in my office last time, am I right?"

Napangiwi ako bigla sa sinabi niya.

Hotsilog girl pa nga!

"Haha, yeah."

Ang manhid din talaga ng isang ito! Hindi ba niya ramdam na na-ooffend na ako sa tawag niya sa akin? Kitang-kita naman 'yun sa mukha ko ngayon na naiinis ako sa 'hotsilog girl' na term niya.

"I am really sorry, Lexy." she apologized immediately. "I didn't mean to forget your name."

Mukha naman siyang sincere sa itsura niya ngayon kaya I smiled na lang para hindi na siya mafeel bad.

"It's fine, Zeejei." sagot ko. "I got to go na, I have classes pa kase."

Nagulat siya sa biglaan kong pagpa-paalam pero mabilis din iyong napawi at napalitan ng isang nakakasilaw na ngiti.

"Okay, okay. Aral mabuti, Lexy." nakangiting sabi niya.

She just watched me walk away from her. She's still standing up in front of her office while waving her hand bago ako lumiko papunta sa building namin.

"Saan tayo kakain ng lunch?" tanong ni Divina sa amin pagka-dismiss sa amin ng prof namin.

"Sa cafeteria na lang." si Eloisa.

"Sa Sky Cafe na lang! Gusto ko ng kape." si Clarence.

Hindi na ako nag-abala pang sumagot dahil may baon naman akong lunch na niluto ni Papa. Sasama na lang ako sakanila sa kung saan sila kakain para lang may kasabay din akong kumain.

The One I Once Loved (Bravo Series 4)Where stories live. Discover now