Lexianna Fah POV
"Lexy, mag-ingat ka sa isang 'yan, ha?"
Wala tuloy ako sa sarili na pumasok sa kotse ni Zeejei habang iniisip ang huling sinabi ni Alora sa akin. Pinanood ko lang umalis ang kotse niya habang si Zeejei naman ay ikinakabit ang seatbelt ko bago niya isara ang pinto ng kotse niya at naglakad papuntang driver's seat.
Kinakabahan ako at panakaw-nakaw tingin lang ang ginagawa ko kay Zeejei ngayon. Pinanonood ko lang ang bawat galaw niya at wala pa namang kaka-iba roon.
Tahimik lang ang naging byahe naming dalawa papalabas sa venue ng race nila. Mukha siyang nagmamadali siguro dahil ang dami pa ring mga mata ang nakabantay sa akin kanina kahit tapos na ang race dahil kung wala si Alora ay paniguradong napa-away na siya kanina ng dahil sa akin.
Kinabahan na ako ng mapansin ko na iba na ang daan na tinatahak naming dalawa ngayon, hindi ito ang daan papauwi sa bahay namin!
"Z-zeejei, saan tayo pupunta?" kinakabahan kong tanong sakaniya.
Nakasandal ang kaliwang braso niya sa may bintana habang ang kanang kamay naman niya ang nakahawak sa manubela ng sasakyan.
Tumingin siya sa akin ng nakangisi bago inilipat ulit ang tingin sa daanan.
"Ako ang bahala, Lexy. Mag-eenjoy ka ngayong gabi, I promise." sagot niya.
Dumoble ang kaba 'ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang gagawin, gusto kong tumakas pero hindi ko rin alam kung paano nababalot lang ngayon ng takot at pangamba ang isipan ko.
"Zeejei, b-bata pa 'ko. Marami pa akong pangarap sa buhay." pagmamaka-awa ko sakaniya.
Parang wala itong naririnig at prente pang tinignan ang oras sa phone niya.
"Z-zeej,"
Mas bumilis ang pagpapatakbo niya sa kotse na mas nagpakaba sa akin. Para siyang nagmamadali sa itsura niya ngayon na mas ikinatakot ko.
"Z-zeejei, iuwi mo na 'ko, please?"
Bakit ba kase ako sumama sa kaniya? Parang mas katiwa-tiwala pa ang itsura ni Alora kaysa sa isang ito.
Agad kong inialis ang suot-suot kong seatbelt para medyo makalapit ako sa pwesto niya.
"Zeejei, ihinto mo ang sasakyan!" sigaw ko.
Hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa pagmamaneho kaya humawak ako sa may braso niya para maagaw ang atesyon niya.
"Bababa ako, Zeejei! Ihinto mo ang sasakyan!"
"Delikado rito, Lexy. Just trust me, okay? Wala akong gagawing masama sayo kung ayan ang iniisip mo." mahinahong saad niya.
Wala raw gagawing masama eh ano yung sinabi niyang 'mag-eenjoy ka ngayong gabi, I promise'? Hindi ba iyon masama?
"S-sanay naman ako umuwing mag-isa kahit gabi na, Zeej!"
Para siyang walang narinig at patuloy pa rin sa pagpapatakbo sa sasakyan niya. Nakahawak na ako sa may braso niya at nagmamaka-awa na itigil niya ang pagmamaneho dahil bababa ako.
"Lexy, huwag kang magulo nagmamaneho ako." sabi niya at inialis ang kamay kong nakahawak sa braso niya.
"Zeej, please? Stop the car."
Patuloy lang ako sa pag-alog ng braso niya habang siya naman ay patuloy lang din sa pagmamaneho. Natatakot na rin ako dahil kung wala naman siyang gagawing masama sa akin ay ihihinto niya ang sasakyan niya para lang kausapin ako nang maayos pero hindi.
Nahihilo na rin ako dahil pagewang-gewang na kami ngayon sa gitna ng kalsada habang patuloy pa rin na umaandar. Walang ni-isa sa aming dalawa ang humihinto hanggang sa pareho kaming nasilaw dahil sa liwanag na nanggagaling sa harapan namin.
YOU ARE READING
The One I Once Loved (Bravo Series 4)
Storie d'amoreLexianna and Zeejei made a childhood promise to marry each other when they grow up. Their connection was deep and genuine. However, tragedy struck, causing to separate the two of them. Years later, Zeejei returns, eager to reconnect. She loves Lexi...