Lexianna Fah POV
It's almost 11 in the evening at nandito pa rin ako sa convenient store na pinagtatrabahuhan ko. Wala namang gaanong bumibili at tapos ko na rin namang ayusin lahat ng pina-aayos sa akin ng boss ko kaya pwede na akong gumawa ng mga school works habang wala pang customer.
Gumagawa lang ako ng transes para na rin reviewer ko. Sabi kase ng mga senior namin ay may mga doctor daw na bigla na lang nagtatanong out of the blue at kung hindi ko iyon masasagot ay baka maka-apekto sa magiging grade ko.
Nagulat ako ng biglang tumunog ang bell ng pinto, ibig sabihin ay may customer na pumasok.
"Good evening po." bati ko kahit hindi ko nakita kung sino ang pumasok.
Tinago ko kaagad ang iPad ni Eloisa na hiniram ko dahil medyo nakakatakot ang ganitong oras ng shift. Madalas kase ay ganitong oras lumalabas ang mga magnanakaw, mahirap na hindi pa naman sa akin ang iPad na ito.
Pagtayo ko ay nandoon na pala ang customer kaya dali-dali kong pinunch ang drinks na binili niya. Starbucks na kape iyon.
"159 pesos po." nagulat ako ng makita ko yung babaeng itinuro sa akin nila Clarence noong nasa club kami.
Siya 'to. Sigurado akong siya 'to. Pananamit pa lang niya ay gayang-gaya na roon sa babaeng tinuro nila sa akin lalo na yung mga mapupungay niyang mga mata.
Open pa rin kaya yung deal namin na 'yun? After that night ay hindi naman na namin napag-usapan kaya baka hindi na.
Sayang naman.
"Miss?"
Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita siya. Kanina pa pala nakalahad ang 200 pesos niya sa harapan ko pero heto ako tulala lang na nakatingin sakaniya.
"S-sorry." sabi ko at agad na kumuha ng panukli sa ibinayad niya sa akin.
"Your change po 41 pesos. Thank you." nakangiti kong saad pero ang isang ito ay seryoso lang na nakatingin sa akin.
Ang sungit! Hindi naman siya ganito noong nasa bar kami. Pakiramdam ko nga nagpapacute pa siya sa akin non pero ngayon ang suplada niya na masyado.
Nang mag-alas onse na ay nag-out na rin ako kaagad sa work ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang magtrabaho kapag nagduty na ko sa ospital. Pakiramdam ko kase ay sobrang mapapagod na ako sa magiging duty ko.
Wala ng gaanong tao sa labas na mas nagpakaba sa akin. Ang hirap maging babae! Kahit naman maayos ang suot ko ay alam kong may posibilidad na may mangyareng masama sa akin kung maglalakad ako papauwi.
Bakit ba hindi pwedeng malayang makapaglakad ang mga babae tuwing gabi? Bakit ba parang hindi safe ang mundo para sa aming mga babae? Kapag lalaki ang naglalakad sa gabi ay ayos lang dahil wala namang mangyayareng masama sakanila pero bakit kapag babae hindi pwede?
Saktong may paparating na tricycle na agad-agad kong pinara.
"Phase 3 po, manong." sabi ko bago ako sumakay sa loob.
Wala naman akong kakaibang naramdaman sa byahe. Tama naman ang daan at may mga tanod din naman na nag-iikot sa daan kaya ramdam ko namang ligtas ako.
Pero ang hindi mawala-wala sa paningin ko ay ang isang motor na nakasunod sa sinasakyan kong tricycle. Magmula ng tanggapin ko itong part time job ko na ito ay palaging may motor na sumusunod sa akin sa tuwing papa-uwi ako.
Minsan ay natatakot na rin ako pero pagnakakarating naman ako sa bahay ay wala na iyong nakasunod sa akin. Impossible naman kaseng si Papa iyon dahil hindi siya pwedeng maneho ng mga sasakyan dahil sa pagkawala ng isa niyang mata.
YOU ARE READING
The One I Once Loved (Bravo Series 4)
RomanceLexianna and Zeejei made a childhood promise to marry each other when they grow up. Their connection was deep and genuine. However, tragedy struck, causing to separate the two of them. Years later, Zeejei returns, eager to reconnect. She loves Lexi...