Lexianna Fah POV
"I hope before your internship starts ay kumpleto na ninyo ang mga nursing kit ninyo. You will be using it naman for a long period of time kaya it's not a waste of money."
"Yes, Doc." they all answer in unison except for me.
Nakapahalumbaba lang ako habang nakatingin sa professor ko na nagsasalita sa harapan. Ang bawat salita niya ay parang pumapasok lang sa kanang tainga ko at lalabas na lang din sa kaliwa.
Sigurao dahil ang dami pa kaseng kulang na mga gamit sa Nursing kit ko. Ang mayroon pa lang ako ay yung mga gamit na mura lang na inuna ng binili ni papa pero yung mga stethoscope, Pulse Oximeter at kahit ang pang-bp na may kamahalan ay wala pa ako.
"Understood, Miss Red?" tanong niya habang deretsong nakatingin sa akin kaya halos lahat din tuloy ng mga blockmates ko ay nakatingin sa akin.
"Y-yes po, doc." sagot ko at naupo na ako nang maayos dahil ang sama ng tingin niya sa akin.
Nakatingin lang ako sa mga blockmates ko na kumpleto na ang mga nursing kits. Nagpapamahalan a nagyayabangan pa sila ng mga stethoscope sa isa't-isa habang ang iba naman ay sinubukan itong gamitin sa mga katabi nila.
Ilang linggo na lang ay magsisimula na ang aming internship at magduduty na kami sa ospital pero heto ako pino-problema pa rin kung paano bibili ng mga gamit na kakailanganin ko sa paparating na duty ko.
Isang beses ay sinubukan kong magpart time job sa isang fast food chain sa tuwing matatapos ang klase ko para sana maka-ipon pambili ng mga kakailanganin ko pero hindi ko kinaya ang pagod at trabaho to the point na napabayaan ko ang pag-aaral ko.
After class ko kase ay deretso pasok kaagad ako sa trabaho at pagkatapos naman ng shift ko ay dere-deretso akong nakakatulog pagka-uwi ko sa bahay kaya hindi ko na nagagawa ang mga school works ko dahilan para kamuntikan na akong bumagsak sa isang major subject ko.
At dahil doon ay huminto na lang ako sa pagtatrabaho kaysa naman bumagsak ako sa pag-aaral ko ng dahil sa trabaho ko.
Paminsan-minsan naman ay suma-side line naman ako para kumita ng pera. Madalas ay nagvovocalist ako sa isang resto bar tuwing weekend para pangdagdag ko sa mga gastusin ko sa eskwela.
Hindi kase sapat sa amin ang pinapadala ni mama na ngayon ay nagtatrabaho sa ibang bansa, specifically sa Thailand bilang isang OFW habang si papa naman ay hirap makahanap ng trabaho dahil sa pagkawala ng isa niyang mata dahil sa isang insidente dati.
"Psst, Lexy."
Tumingin ako sa may likuran ko ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko at doon ko nakita ang mga kaibigan kong nakangisi ngayon habang nakatingin sa akin.
"Ano?" walang gana kong tanong sa kanila na ikinatawa lang nilang lahat.
"Nakakalimutan mo atang birthday ko ngayon, girl?" sabi ni Clarence, ang mother ng circle namin.
"Hindi nga ako makakasama sainyo mamayang gabi. Kailangan ko pang humanap ng part time job para makumpleto ko na yung gamit ko bago sana tayo mag-duty sa ospital." sagot ko kaagad sakanila.
Palibhasa kase may mga kaya sa buhay at walang pinoproblema pagdating sa pera kaya kung makapagparty parang wala ng bukas.
Kung ganun lang din sana ang buhay na mayroon ngayon baka siguro wala akong ibang iniisip kung hindi mag-aral at i-enjoy lang ang college life ko.
Kaso hindi.
Hindi kami pare-pareho ng mga estado sa buhay. Hindi ko sila katulad na may kaya sa buhay. Kaya wala akong magawa kung hindi sumabay na lang agos ng buhay na mayroon ako.
YOU ARE READING
The One I Once Loved (Bravo Series 4)
Roman d'amourLexianna and Zeejei made a childhood promise to marry each other when they grow up. Their connection was deep and genuine. However, tragedy struck, causing to separate the two of them. Years later, Zeejei returns, eager to reconnect. She loves Lexi...