Lexianna Fah POV
"Sinabi ko ng wala nga akong boyfriend, ang kulit ninyong tatlo!" iritadong sigaw ko ng kulitin na naman ako ng tatlong ito tungkol sa lovelife ko.
May nagpadala kase sa akin ng isang bouquet ng mga bulaklak at sa ospital pa talaga niya naisip na ipadala kaya ayun na-warningan tuloy ako ng mga doctor na naghahandle sa aming mga student-nurse.
"Eh sino ang magpapadala sayo ng bulaklak kung wala kang boyfriend?" panghuhuli ni Clarence sa akin.
Kahit naman walang pangalan na inilagay sa bulaklak ay isa lang naman ang kilala kong gagawa nito. Ilang araw ko na kase siyang iniiwasan ng dahil sa nakita ko sa story niya. Mas mabuti na rin ito dahil ayaw ko talagang makasira ng relasyon ng iba. Hindi ako kabet at never akong magiging kabet!
"Kung ayaw niyong maniwala, edi wag." sagot ko at lumakad na papa-alis sa harapan nila.
May kailangan akong asikasuhin sa university at nagpaalam na rin naman ako kaya bitbit ko na lahat ng mga gamit ko pati na rin ang bouquet ng bulaklak papalabas ng ospital. Titig lang ako sa bulaklak dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito, hindi ko naman pwedeng iuwi dahil alam kong mahabang usapan ang mangyayare sa amin ni papa pagnagkataon.
Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang na itapon iyong bulaklak na ibinigay sa akin. Hindi ko naman kase kailangan ng bulaklak, sana pinera na lang niya siguro mas matutuwa pa ako sa ginawa niya.
"Lexy," pagtawag sa akin ni Paul, yung kasamahan ko dati sa convenient store na pinagtatrabahuhan ko. Hindi ako sumagot at nginitian lang siya ng maliit. Wala kase ako sa mood na makipag-usap ngayon dahil sa pambwi-bwiset ng tatlo sa akin kanina.
"Papunta ka ba ng school? Pwede bang sumabay sayo?" tanong niya sa akin.
Tumango lang ako bilang sagot na ikinangiti naman niya. May dala-dala pala siyang motorsiklo kapag pumapasok sa ospital para magduty, mabuti na lang at inaya niya akong sumabay dahil kahit papaano ay makakalibre ako ng pamasahe.
Medyo nakakatakot magmaneho ng motor si Paul, ewan ko ba kung nagmamadali ba siya pero ang hilig niyang makisiksik sa mga malalaking sasakyan. Ako na lang ang kinakabahan sakaniya kanina ng singitan niya ang dalawang naglalakihang bus.
Kamuntikan na kaming maging kwento!
"S-salamat sa pagsabay, Paul." sabi ko ng makarating kami ng university. Mukhang ito na rin ang una at huling angkas ko sakaniya dahil hinding-hindi na ko sasabay pa ulit sakaniya.
Saktong pagka-abot ko ng helmet sakaniya ay may pamilyar na scent akong naamoy hindi kalayuan sa amin. Impossibleng si Paul iyon dahil pareho kaming galing sa ospital. Very manly ang amoy kaya ng tumingin ako sa may likuran namin ay nakita ko roon si Zeejei na masamang nakatingin kay Paul.
"Z-zeej," pagtawag ko.
Naalis ang tingin niya kay Paul ng tawagin ko siya. Unti-unti rin siyang naglakad patungo sa akin kaya mas naamoy ko na ang scent niyang ang tagal kong hindi naamoy dahil iniiwasan ko talaga siya nitong mga nakaraang araw.
"Babalik ka pa ba ng ospital, Lexy?" seryosong tanong sa akin ni Zeejei.
Titignan ko pa lang sana ang phone ko para icheck kung pinababalik pa ba ako ni Doc ng si Paul na ang sumagot sa tanong ni Zeejei.
"Wala na pre, bukas na ulit." Nakangiting sagot ni Paul kay Zeejei.
"I didn't ask you."
Agad na napatikom si Paul ng bibig niya ng makita ang seryosong mukha ni Zeejei maski ako ay agad na napa-iwas ng tingin sakaniya sa talim ba naman niya makatingin sa aming dalawa. Nagpaalam na rin agad si Paul at iniwan akong mag-isa sa harapan ni Zeeijei, hindi man lang ako inaya na sabay na naming kunin ang papers na kailangan naming pareho.
YOU ARE READING
The One I Once Loved (Bravo Series 4)
RomanceLexianna and Zeejei made a childhood promise to marry each other when they grow up. Their connection was deep and genuine. However, tragedy struck, causing to separate the two of them. Years later, Zeejei returns, eager to reconnect. She loves Lexi...