Chapter 8

965 36 3
                                    

Lexianna Fah POV

"Are you mad at me?" biglang tanong ni Zeejei sa akin habang nagmamaneho.

Nakasakay kaming dalawa ngayon sa kotse niya dahil inaya niya akong kumain ng lunch ng kaming dalawa lang. I was expecting na sa Sky Cafe lang kami kakain or sa cafeteria kaya laking gulat ko ng naisipan niyang lumabas sa campus just to eat lunch with me.

"Why would I get mad at you? Did you do something ba that would make me mad?" sarkastiko kong tanong sa kaniya.

Umiling lang siya at nagfocus na lang sa pagmamaneho. Nabalot na ulit ng katahimikan ang loob ng sasakyan niya. Sobrang awkward dahil may something talaga sa atmosphere naming dalawa ngayon na hindi ko maipaliwanag.

We really looked like a couple na hindi magkasundo ngayon. Pinakikiramdaman lang ako ni Zeejei habang nagmamaneho siya tapos heto ako iwas na iwas ang tingin sa kaniya.

After minutes of driving ay nakarating kami sa isang restaurant na parang nasa itaas ata ng bundok. Maganda ang atmosphere rito at hindi rin ganoon ka-crowded ang lugar hindi katulad sa restaurant na ine-expect ko.

"Table for two, please." sabi niya sa isang crew na nakatayo sa may labas ng restaurant. They talked for a minute dahil mukhang for reservation lang ang mayroon ang restaurant at hindi pwede ang walk-ins.

Inilabas ko ang phone ko to take some photos of the place dahil mukhang lilipat kami ng restaurant ni Zeejei any minute. The skies are clear blue that made the photo I took so peaceful. Isama mo pa ang likod ng kotse ni Zeejei na naisama ko sa pagkuha ng picture.

I was planning to put it on my story pero siguro mamaya na lang kapag naka-alis na kami ng restaurant for safety purposes.

"Lexy, let's go." si Zeejei.

Akala ko ay aalis na kami pero humawak lang siya sa baywang ko bago ako inalalayan papasok ng restaurant.

"Akala ko need pa ng reservation dito?" tanong ko habang pa-akyat kami ng hagdan.

"Hindi na kailangan ng reservation kapag ako." mayabang na sagot niya sa akin.

Nang makarating kami sa table namin ay inalalayan muna ako ni Zeejei na ma-upo sa upuan ko bago ako inabutan ng isang waiter ng menu.

Azi is the name of this restaurant pala and mostly of their foods are Spain delicacies. Sa buong buhay ko ay hindi pa ata ako nakakatikim ng authentic na Spanish food kaya hindi ko tuloy alam ang oorderin ko ngayon.

"Can I get your order, ma'am?" tanong sa akin ng waiter.

Hindi ako makapili dahil hindi ako familiar sa mga pagkain dito. Mayroong magaganda sa pandinig na pagkain na nakasulat sa may Menu pero hindi ko naman alam ang itsura nito kaya hindi ko rin tuloy alam kung swak ba iyon sa panlasa ko.

"Can we just have a paper and pen? Kami na lang ang magsusulat ng oorderin namin." saad ni Zeejei.

Inabutan siya ng papel at pen ng waiter bago ito nanghingi ng paumanhin sa amin. Nang umalis ito ay tumayo si Zeejei at lumapit sa akin bitbit ang papel at ballpen na iniabot sakaniya ng waiter kanina.

"Paella Valenciana is the most famous Spanish dish and it's a must try. But, their Seafood Paella is way better than Paella Valenciana though both of them is Paella naman, magka-iba lang ang meat na ginamit." kalmado niyang paliwanag sa akin.

"Anong pinagkaiba ng dalawa?"

"Paella Valenciana is made of Chicken while Seafood Paella is made of Seafood." maikling paliwanag niya.

"Anong gusto mo sa dalawa?" tanong ko dahil hindi ko pa rin alam ang oorderin ko.

"Gusto mo orderin na lang natin pareho?" she asked calmly.

The One I Once Loved (Bravo Series 4)Where stories live. Discover now