Chapter 7

860 44 7
                                    

Lexianna Fah POV

"Food delivery!" malakas na sigaw ng mga block mates kong lalaki na nakatambay kanina pa sa may hallway.

Ang aga-aga puro kalokohan at ka-ingayan ang inaatupag nila. Hindi na lang magreview nang tahimik ng tumaas naman ang mga grades nila sa subject na 'to.

Sobrang bilis kong mairita ngayon dahil wala pa akong tulog at maski almusal dahil sa kare-review para sa quiz namin sa subject na'to. Kaka-unti na lang kase kaming papasa at ang iba ay sinukuan at tinanggap na na magrere-take sila rito.

"Lexy! Food delivery pinabibigay ng bebe mo." May halong pang-aasar at katarantaduhan ang tono ng boses nila na mas nagpa-inis pa sa akin lalo ngayon.

"Kung wala kayong mapag-tripan pwede bang huwag ako? Hindi kase ako nakikipagbiruan sa inyo! Kaya pwede ba manahimik kayo." inis na sagot ko sakanila.

Kita naman ang takot sa mga mukha nila kaya inirapan ko lang sila at nagpatuloy na ulit sa pagre-review ng mga notes ko para sa quiz namin ngayon.

"Pasensya ka na Boss Zeejei, ayaw niyang tanggapin eh." rinig kong sabi nila.

Agad akong napatingin sa may pinto ng marinig ko ang pangalan niya at nakita ko roon si Zeejei na nag-aalalang nakatanaw sa akin ngayon. She's wearing their engineering uniform na pinatungan niya ng black and white na varsity jacket.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko rin naman inaasahan na gagawin niya ito sa akin. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay parang kailangan kong magpaliwanag sakaniya kahit hindi naman ako obligado na gawin iyon.

Parang may kung anong kaba lang akong naramdaman bigla sa dibdib ko ng makita ko siyang nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Z-zeejei,"

Halos patakbo pa nga akong nagtungo sa kinaroroonan niya para lang magpaliwanag. Ewan ko ba pero ayaw kong ma-misunderstood niya yung pinakita kong ugali kanina.

"A-are you okay? Did I bother you? I'm sorry, Lexy. Babalik na lang ako after ng class mo, I'm really sorry again for bothering you."

Mabilis akong umiling at humawak sa braso niya dahil papa-alis na siya sa harapan ko. Nagulat pa nga siya sa ginawa ko pero kinuha ko na lang iyong paperbag na ibibigay niya dapat sa akin kanina.

"I'm sorry, Zeej, I'm just not feeling well." paliwanag ko kaagad. "Ano ba ang laman nitong paper bag?" tanong ko habang kinakalkal ang laman ng paper bag na bigay niya.

May mga tupper wears sa loob ng paper bag na naglalaman ng Champorado na maraming gatas. Mayroon ding pandesal na nasa kabilang tupper wear naman at isang palaman na nakalagay sa maliit ng tupper wear.

"Breakfast... for you." nahihiya niyang sabi sa akin.

"Alam mo bang paborito ko ang champorado na may maraming gatas? tapos nilalagyan ko rin 'yun ng pandesal!"

She immediately smiled at me while listening carefully on every words I am saying.

"Really? I didn't know that."

"Ngayon alam mo na! Thanks for the breakfast, Zeej, I really appreciate this."

Ewan ko ba pero may parang kung ano man akong nararamdaman sa loob ng tiyan ko dahil lang sa mga small gestures niya. Lahat ata ng inis ko sa mundo ngayong araw ay parang naglaho ng parang bula ng makita ko ang mga ngiti ni Zeejei.

"Sige na, magreview ka na. Good luck sa quiz mo, Lexy!" sabi niya at ngumiti sa akin.

I just smiled at her. Ayaw ko pa nga sanang umalis pero kailangan kong magreview dahil hindi ako pwedeng bumagsak sa subject na ito. Labag man sa loob ko pero dahan-dahan akong tumalikod kay Zeejei para pumasok na ulit sa room.

The One I Once Loved (Bravo Series 4)Where stories live. Discover now