Chapter 17

885 59 5
                                    

Lexianna Fah POV

"I didn't know you have plans for today, baby." bungad ni Zeejei sa akin pagkalabas niya ng banyo. I am now preparing myself dahil ngayon ang quadro date na plano naming magkakaibigan.

"Nakalimutan mo na ba? Ngayon yung Quadro date natin!" her face instantly looked like this 'o' when she realized what I just said. Wala namang problema dahil mabilis naman siyang kumilos unlike me na napakabagal. After thirty minutes ay natapos na rin akong magbihis habang si Zeejei ay naglalaro lang ng mobile game sa phone niya habang hinihintay ako.

"Let's go, baby." pag-aya ko dahil kanina pa nagmemessage ang mga kaibigan ko at dahil late na kaming dalawa ni Zeejei ay sa mall na kami dederetso at hindi na sa napag-usapan naming spot magkakaibigan.

"Wow! Is this your car? A new car?" tanong ko ng buksan niya ang kotse gamit ang susing hawak niya.

"Yup! Do you like it? What do you think of this car, baby?"

Sa totoo lang ay hindi ko alam ang isasagot dahil wala naman akong alam masyado tungkol sa sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at doon ko nakita iyong interior ng sasakyan. Mas maganda ang interior nito kaysa sa sports car na ginagamit niya dati.

"Where did you buy this, Zeej? It looks so expensive!"

Natawa lang siya habang nagmamaneho papunta ng mall. Ang kaliwang kamay niya ay nasa manibela habang nasa kaliwang hita ko naman iyong kanang kamay niya.

"I made this, baby, ito ang pinaka-unang kotse na nilabas ng company namin."

"What company?" nagtatakang tanong ko.

"You'll know it soon, baby. Nasa Thailand kase iyong car company namin ni Alora kaya hindi ko pa maipakita sayo."

Pagkarating namin sa Mall ay naroon na yung mga kaibigan ko kasama ang mga boylet nila. Sa Arcade kaagad kami dumeretsong walo dahil doon daw gusto ng mga boylet nila. 

Zeejei is holding my shoulder bag habang ako ay nakakapit lang sa braso niya. Pasmado kase ako kaya mas gusto ko yung nakahawak lang sa biceps niya kaysa makipagholding hands.

"I want to hold your hand, baby." bulong ni Zeejei sa akin habang naglalakad kami.

"Mas gusto kong nakahawak sa braso mo." bulong na sagot ko naman.

"But, baby.."

"Anong sense ng malaki mong biceps kung ayaw mo naman ipahawak sakin? Ano 'yan for display lang?" tumawa lang siya at hindi na nakipagtalo pa sa akin. Hinawakan na lang niya yung kamay kong nakahawak sa braso niya, mukhang gusto niya nga talagang hawakan ang kamay ko.

"Ano ba 'yan, Hans, para naman tayong magkumpare sa ginagawa mo!" napatingin kami ni Zeejei ng magsalita si Clarence na nasa likuran namin. Naka-akbay lang sakaniya ang boylet niya habang naglalakad sa mall, mukha nga silang magtropa lang dalawa sa itsura nila ngayon. Sila Divina naman ay magkatabi lang na naglalakad ng boylet niya, knowing Divina ayaw na ayaw niyang nadidikitan ng kahit na sino. Sila Eloisa naman ay  magkahawak ang kamay at masayang nakasunod lang kila Divina katulad namin ni Zeejei.

"What's the plan?" tanong ni Divina ng makapasok na kami sa arcade. Ang mga boylet nila ay hindi na mapakali sa sobrang daming gustong itry na mga games habang si Zeejei ay titig na titig lang sa akin habang hinihintay na matapos kaming mag-usap magkakaibigan.

"One card for all?" si Eloisa.

"Pwede naman tapos ambagan na lang tayo sa load." si Divina.

"Magkano hatian natin?" tanong ko sakanila.

"Tig 500 na lang tayo, marami na siguro 'yon." sagot ni Clarence at dinukot na ang wallet niya mula sa bulsa niya.

Mabuti na lang at bagong sweldo ako kaya may pambayad ako sa date namin ni Zeejei ngayon. Kukunin ko na sana ang wallet ko ng maalala kong na kay Zeejei pala ang shoulder bag ko.

The One I Once Loved (Bravo Series 4)Where stories live. Discover now