Chapter 13

1.1K 56 16
                                    

Lexianna Fah POV

"Hindi ko alam na ganito pala kalayo yung bagong ospital na papasukan ko." paliwanag ko kay Zeejei na tahimik lang na nagmamaneho ngayon.

Maaga niya akong sinundo sa bahay para ihatid sa bagong ospital na papasukan ko. Sa Pedia na kase kami naka-assign magkakaibigan kaya roon na talaga kami sa ospital ng mga bata inassign ng university. Maganda rin naman talaga na sa ganoong ospital kami magduty para talagang matututo kami ang kaso nga lang ay pagkalayo-layo naman pala nito mula sa amin.

"Hindi naman ganoon kalayo. Traffic lang talaga kase monday ngayon." paliwanag naman ni Zeejei sa akin.

Hindi na nga siya nakapagluto ng almusal naming dalawa kaya nagdrive thru na lang muna siya sa isang fastfood chain kanina bago niya ako sinundo sa bahay para sabay pa rin kaming kumain ng breakfast sa loob ng kotse niya. At dahil parang kulang na ang oras namin dahil sa sobrang traffic ay napagdesisyunan kong kumain na ng almusal.

"How about me, baby?" tanong niya sa akin habang pinanonood akong isa-isang inilalabas ang mga pagkaing binili niya na nasa isang paper bag.

Ayan na naman tayo sa pa-baby niyang tawag sa akin. Ewan ko ba pero ang lakas talaga ng tama sa akin kapag tinatawag akong baby ni Zeejei. Inirapan ko lang siya na ikinangiti niya lalo bago ko inilapag sa lap ko ang mga pagkain naming dalawa. Kita ko ang namumula kong mukha sa salamin na mas ikinatawa niya.

"Susubuan na lang kita. Okay lang ba yun sayo, baby?"

Agad na namula ang buong mukha niya nang marinig ang sinabi ko. Tumango lang siya at nag-iwas kaagad ng tingin sa akin at nagkunwaring nakafocus sa daanan kahit hindi naman kami umaandar. Akala niya siya lang ang magaling magpakilig ah, nakita niya tuloy ang sarili niyang multo.

Nang maihanda ko na ang mga almusal naming dalawa na nakapatong sa mga hita ko ay siya kaagad ang una kong sinubuan. Pancakes lang iyong pagkain niya habang rice meal naman ang akin. Hiniwa ko na iyong pancakes niya into bite size para susubuan ko na lang siya nang susubuan habang busy siyang magmaneho.

"Ako lang ata ang tao ngayon na sobrang saya dahil traffic." sabi niya bago niya isinubo ang tinidor na may pancakes na itinapat ko sa harapan niya.

Hindi mawala-wala ang pamumula ng mukha niya pati na rin ang mga ngiti sa labi niya hanggang sa matapos kaming kumain dalawa. Maski sa pag-inom ng kape niya ay ako pa ang gumawa para sakaniya, sa laki niyang tao ay hindi ko inaasahang sobrang pa-baby niya talaga!

"Pwede bang dito na lang tayo sa loob ng kotse?" tanong niya ng makarating na kami sa tapat ng ospital.

Pinanonood niya lang akong ayusin ang mga gamit ko pati na rin ang mga pinagkainan naming dalawa kanina. Nang tumingin ako sakaniya ay agad siyang ngumuso at umaktong nalulungkot dahil papasok na ako ng ospital.

"Biggest turn off ko pa naman yung puro landi lang ang alam."

Nanlaki kaagad ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Gusto kong matawa dahil sa reaksyon niya pero pinilit ko ang sarili kong manatili lang na seryoso sa harapan niya.

"Mga kabataan nga naman talaga mabuti pa 'ko may pangarap sa buhay at hindi lang puro landi." depensa niya kaagad.

Inirapan ko lang siya bago ako bumaba ng sasakyan niya para itapon ang mga pinagkainan naming dalawa. As expected ay bumaba rin siya sa sasakyan at sumunod sa akin. Hindi siya nagsasalita at tahimik lang na nakasunod sa akin hanggang sa makarating kami pareho sa tapat ng entrance ng ospital.

"Wala akong kiss?"

Ayun agad ang sinabi niya ng magtama ang tingin naming dalawa. Nagulat ako sa sinabi niya at maski siya ay nagulat din. Umiwas siya ng tingin sa akin, mukhang hindi na alam ang gagawin.

The One I Once Loved (Bravo Series 4)Where stories live. Discover now