Lexianna Fah POV
"Lexianna Fah." Agad akong napamulat ng mata ng marinig ko ang seryosong boses ni papa hindi kalayuan sa kung nasaan kami ngayon. Si Zeejei ay parang nanigas sa kinatatayuan niya dahil nanatiling nakahawak ang kamay niya sa pisngi ko habang isang pulgada na lang ang layo ng labi niya sa labi ko.
Sa posisyon naming dalawa ngayon ay halata talagang hahalikan niya ako!
"Sino 'yang lalaki na 'yan, Lexianna?" Agad na napalayo si Zeejei sa akin ng sumigaw ulit nang malakas si papa. Zeejei is wearing a lavender hoodie at nakasuot din ang hood ng jacket niya sa ulo niya kaya kung titignan talaga siya mula sa likuran niya ay magmumukha talaga siyang lalaki sa itsura niya.
"S-should I run for my life?" kinakabahang tanong niya sa akin.
Kinakabahan din akong tumango sakaniya dahil hindi ko rin alam kung ano ang magagawa ni papa lalo na at nakita niya kami sa ganoong posisyon ni Zeejei. Agad ko siyang tinulak papalayo sa akin kaya dali-dali rin siyang tumakbo pabalik sa sasakyan niya para sana umalis na rito pero agad din siyang hinabol ni papa.
"Papa!" sigaw ko ng bigla niyang hilahin si Zeejei papalabas ng kotse niya. Akala ko ay ayun lang ang gagawin ni papa pero nagulat ako ng bigla niyang sinipa nang malakas ang pinto ng kotse dahilan para sumara ito bago niya halos isubsob ang mukha ni Zeejei sa likuran ng sasakyan niya.
"Papa," Nakahawak ako sa braso ni papa habang ang mga mata ko ay deretso lang na nakatingin kay Zeejei na hirap na hirap na ngayon sa pwesto niya. Mahigpit ang hawak ni papa sa dalawang kamay ni Zeejei na nasa may likuran niya ngayon habang nakasubsob naman ang mukha niya sa trunk ng sasakyan niya.
"Ang kapal naman ng mukha mong tumakas pagkatapos mong halikan ang anak ko!"
"Pa, hindi niya ako hinalikan."
"Hindi ka niya nahalikan kase nahuli 'ko kayo!" sigaw ni Papa. "Sa tapat pa talaga ng bahay namin! Tapos ngayong nahuli ka tatakas ka?"
Namumula na si papa sa galit na sobrang nagpapakaba sa akin ngayon. Ito ang unang beses kong nakita si papa na galit na galit. I was expecting this to happen naman if ever na malaman ni papa na may naghahatid at sundo sa akin palagi.
"I-i'm sorry, sir.." hinang-hinang saad ni Zeejei.
"Pa, bitaw na." naiiyak kong sabi. Binitawan din naman siya ni papa kaya agad akong lumapit kay Zeejei na parang nanginginig na sa takot ngayon.
"Z-zeej,"
"I-i'm fine, Lexy tsaka k-kasalanan ko rin naman dahil hindi ko hinarap nang maayos ang papa mo."
Inialis ko ang hood na suot niya para makita ang itsura niya ngayon. Basang-basa siya ng pawis at hindi ko na rin maipinta pa ang itsura niya habang nakatingin sa akin.
"It was my fault. Dapat hindi ko tinago ito kay papa." Agad akong yumakap kay Zeejei at ganun din siya sa akin Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya.
"Nandito na rin naman tayo siguro dapat magpakilala na ako sa papa mo." bulong niya sa akin. Ramdam ko naman na desidido siya sa gagawin niya kaya tumango na lang ako at hinayaan ko na siyang gawin ang gusto niya.
"G-good evening po, sir." magalang na bati niya kay papa. Naka-akbay siya sa akin habang nakayakap naman ako sa baywang niya. Nanginginig iyong kamay niyang nakahawak sa may balikat ko kahit pa parang hindi siya kinakabahan sa itsura niya ngayon sa harap ni papa.
"Kadynce?" hindi siguradong tawag ni Papa kay Zeejei. Nanlaki pa ang mata niya habang nakatitig sa mukha ni Zeejei.
"Y-yes, sir?" kinakabahan sagot ni Zeejei. Nanginginig man sa takot dahil sa nangyare ay lakas loob siyang lumapit kay papa.
YOU ARE READING
The One I Once Loved (Bravo Series 4)
RomanceLexianna and Zeejei made a childhood promise to marry each other when they grow up. Their connection was deep and genuine. However, tragedy struck, causing to separate the two of them. Years later, Zeejei returns, eager to reconnect. She loves Lexi...