Lexianna Fah POV
"Your hair really suits you, baby. ." sabi ni Zeejei habang titig na titig sa akin mula sa may salamin sa loob ng kwarto namin.
Nagpagupit na kase ako ng buhok pagkatapos ng birthday nila sa Isla del Bravo. I decided na gawin iyong wig at ibigay kay Izzy tulad ng gusto niya dahil nag-uumpisa na iyong chemotherapy niya. Unti-unti na rin kase talagang nalalagas ang buhok niya na ikinalungkot niya ng sobra.
"Naninibago pa ko sa itsura ko. Pakiramdam ko ay hindi bagay sa akin yung buhok ko ngayon."
"No!" depensa niya kaagad sa sinabi ko. "It suits you, ang ganda mo lalo, baby."
Ang galing talaga mambola ng isang ito! Inirapan ko lang siya na ikinatawa niya kaya mabilis siyang nagnakaw ng halik sa labi ko bago nagmamadaling umalis sa tabi ko para magbihis.
"Tsansing!"
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay inasikaso ko naman ang mga gamit na dadalhin ko sa pagpasok. Back to reality na kase ulit at heto ako balik duty na ulit sa ospital. Kung pwede lang sana na sa Isla del Bravo na lang ako tumira, mas gusto ko roon dahil payapa at parang walang problemang iniisip.
"Wala ka ng nakalimutan? Yung wig ni Izzy nadala mo ba?" sunod-sunod na tanong ni Zeejei ng makasakay na kami sa kotse niya.
Dinouble check ko ulit ang mga bitbit ko at naroon naman lahat ng mga kakailanganin kong mga gamit ngayong araw pati na rin ang wig na pinagawa namin ni Zeejei para kay Izzy na nasa may separate na paper bag para hindi masira.
"I'll be busy today, baby, pero susunduin kita mamaya, okay?" sabi niya ng makarating na kami sa tapat ng ospital.
"Oki, baby. Just update me if you have time, I'll wait you here later. Take care." sagot ko bago ko dinampian ng halik ang pisngi niya.
I watched her leave the place while waving my hand bago ako pumasok sa loob ng hospital. Nae-excite ako na ibigay kay Izzy iyong regalo namin ni Zeejei para sakaniya, kung wala lang sigurong meeting si Zeejei ay baka kasama ko rin siyang isurprise si Izzy ngayon.
Pagkapasok ko sa may locker room ay nakita ko roon sila Divina, Eloisa, at Clarence na umiiyak na siyang nagpawala sa ngiti sa aking labi.
"Bakit kayo umiiyak?" tanong ko kaagad sakanila.
Hindi sila sumagot at tumuro lang sila sa may kabilang pinto na nakabukas ng maliit. Iyak lang sila nang iyak kaya lumapit ako roon para alamin kung ano ang nangyayare.
Nakita ko roon ang mga magulang ni Izzy na umiiyak habang kausap si Doc.
"H-hindi na po namin kayang makita ang anak naming nahihirapan, Doc, alam kong pagod na pagod na rin siyang lumaban tsaka. . . wala na rin po kaming pera pambayad sa hospital bills niya."
Nanlaki kaagad ang mga mata ko at napatakip sa bibig ko ng marinig ko ang sinabi ng mama ni Izzy. I tried not to make any sounds pero just like them ay hindi ko maiwasang hindi maiyak sa nalaman ko.
Hindi ko alam kung ano ng nangyare kay Izzy dahil nasa Isla del Bravo pa kami ni Zeejei noong huli namin siyang naka-usap. Ang sabi niya ay nasa Stage 2 na siya ng chemotherapy niya kaya akala ko ay unti-unti ng nagiging maayos ang lagay niya.
Pero hindi. . . hindi pala. .
This is the other side of nursing.
I decided to pursue Nursing because I want to save lives nor to prolong them. Akala ko roon lang iikot ang mundo ko, sa pagsagip ng mga buhay ng tao pero hindi, mali pala.
Everyday we encounter different types of people. Mayroong mga gusto ng mawala sa mundo pero hindi pinalad kaya habang buhay nilang pagsisisihan ang desisyong ginawa nila sa sarili nila at mayroong ding mga pasyenteng may malulubhang karamdaman na patuloy pa ring lumalaban para magpatuloy pa sa buhay.
YOU ARE READING
The One I Once Loved (Bravo Series 4)
RomanceLexianna and Zeejei made a childhood promise to marry each other when they grow up. Their connection was deep and genuine. However, tragedy struck, causing to separate the two of them. Years later, Zeejei returns, eager to reconnect. She loves Lexi...