Chapter 12

1K 54 4
                                    

Lexianna Fah POV


Paano 'yun? yung nagugustuhan ko kase g-gusto niya ng call signs?

Then, you're gonna be my exception, baby.

Ilang araw na ang lumipas magmula noong sabihin sa akin ni Zeejei ang mga salitang iyon. Paulit-ulit lang siya sa isipan ko na parang isang sirang plaka. Hindi ko kase alam kung confession ba iyon o pinagtitripan niya lang ako. Pero sa totoo lang ay hindi ganoon yung ideal confession na ini-imagine ko na mararanasan ko sa buhay ko, kung confession man talaga iyon tsaka isa pa never din pumasok sa isip ko na magugustuhan ako ni Zeejei kaya tuloy hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisink in sa akin ang pag-amin na ginawa niya noong araw na iyon.

Gusto kong pagdudahan ang mga salitang binitawan niya pero hindi ko rin maipagkakaila talaga sa mga galaw at pagtrato niya sa akin na gusto niya nga ako. Mas naging vocal at showy kase si Zeejei kung ikukumpara ko sa mga panahon na acquaintance pa lang kaming dalawa. Wala namang nagbago sa kung ano kami ni Zeejei. Hatid-sundo pa rin naman niya ako araw-araw, madalas na rin ang paglabas naming dalawa pero ngayon 'date'  na ang term niya at hindi na lang basta lunch out. 

Sa aming dalawa ay ako ang medyo nanibago sa kung ano kami ngayon. Ewan ko ba, hindi lang ako makapaniwalang nagkagusto sa akin ang isang Zeejei Bravo. Bigla tuloy akong naconscious sa mga galaw niya kaya sa tuwing kumakain kami ay binabayaran ko na ang mga kinakain ko. Ayaw ko kaseng iba ang isipin niya.

Ilang beses ko na ring sinubukan na iwasan siya pero hindi ko magawa dahil nagagawan niya palagi ng paraan kapag umiiwas ako idagdag mo pa ang mga kaibigan kong palagi akong nilalaglag kay Zeejei. Madalas nga ay tinutulugan ko na siya sa tuwing hinahatid niya na ako papa-uwi ng bahay namin tapos naging busy din akong magbasa ng mga notes ko kapag sinusundo niya na ako para naman pumasok. Ayun ang ginagawa ko noong mga nakalipas na araw para lang maiwasan siya.

From: Zeejei
Katatapos lang ng klase ko. I'll go there to fetch you. 

After days of cold treatment ay hindi ko na rin naman natiis si Zeejei. Wala siyang tigil sa panunuyo kahit wala naman siyang ginawang mali sa akin. Kaya bilang pambawe sa ginawa ko ay pumayag na rin ako sa important lunch na ilang araw na niyang kinukulit sa akin.

To: Zeejei
No need, I'm on my way na.

May klase rin kase ako after lunch kaya bumyahe na rin talaga ako pabalik ng university after ng duty ko. Kabisado ko na ang schedule ni Zeejei kaya alam kong hindi rin talaga niya ako masusundo dahil lunch time na halos ang tapos ng klase niya ngayong araw. Pagkarating ko ng CAU ay dere-deretso na kaagad akong nagtungo sa coffee shop nila.

Nagtext ako kay Zeejei na naririto na ako sa labas ng coffee shop nila bago ko napagdesisyunang pumasok na. Nag-aalangan pa nga ako kase nahihiya talaga ako dahil ang sabi niya kanina sa text ay mga kapatid, mga pinsan, at ang lolo niya ang kasabay naming kumain ngayong tanghalian. Grabe tuloy ang kaba na nararamdaman ko lalo na at ang lolo niya ang may ari nitong university na pinapasukan ko.

Pagkapasok ko ng coffee shop nila ay dagsa ang mga estudyante lalo na at lunch time na kase kaya ang iba rito ay dito na rin kumakain ng tanghalian at nagpapalipas ng oras. Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar pero wala akong Zeejei na nakita roon at wala rin siyang reply sa text message na sinend ko kanina sakaniya.

"Hi po, I'm Solene, kayo po si ate Lexy, right? Ate Zeejei's girlfriend?" biglang tanong sa akin ng isang babae na ikinagulat ko pa. Base sa uniporme na suot niya ay nasa Senior High school pa lamang siya. Parang nakita ko na siya sa isang commercial or magazine pero hindi ko lang maalala dahil nakafocus lang ako sa 'Ate Zeejei's girlfriend?' niyang tanong sa akin.

The One I Once Loved (Bravo Series 4)Where stories live. Discover now