Chapter 21

881 56 3
                                    

Lexianna Fah POV

Wala pang sinag ng araw nang magising ako. Si Zeejei ay mahimbing pang natutulog sa tabi ko. May mahihinang hilik siya na ikinangisi ko mukhang napagod siya sa ginawa namin kagabi. Pareho pa kaming walang suot na damit ngayon at tanging kumot lang ang tumatakip sa hubad naming katawan.

I kissed her forehead bago ako nagtungo sa banyo para maligo. Habang nasa banyo ako ay doon ko lang napagtanto na wala nga pala akong damit na dala! Hindi ko alam kung anong isusuot ko kaya nang matapos ako ay nagtapis lang muna ako ng tuwalya bago nagtingin ng damit ni Zeejei sa may cabinet niya.

Kinuha ko iyong isang itim na hoodie at boxer shorts niya na nakita ko at iyon na lang muna ang isinuot. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto niya para bumalik sa kwarto namin, para akong mamamatay sa sobrang kaba nananalangin na sana ay walang makakita sa akin.

Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto namin at sa awa ng Diyos ay lahat sila ay mahimbing pang natutulog. Agad akong nagpalit ng damit sa banyo at itinago ang damit ni Zeejei sa loob ng bagahe ko para walang makakita.

Ganito pala ang pakiramdam ng tumatakas. Hindi ko kaya at parang wala na ata akong balak na ulitin uli. I don't like the thrill para lang akong mamamatay sa kaba sa ginawa namin ni Zeejei!

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili at ng gamit ko ay bumaba na ako para magluto ng almusal. Ramdam ko kase na tanghali na silang lahat magigising kaya nagkusa na lang akong tumulong na muna sa mga tauhan ni Mamala pero laking gulat ko ng makita ko si Mamala sa may kusina.

"Magandang umaga po, Mamala!" bati ko, mag-isa lang siyang nagluluto ng almusal dito sa may kusina.

"Good morning, apo. ." nakangiting bati niya sa akin. "Bakit ang aga mo atang nagising? Hindi ka ba nakatulog nang maayos?"

"H-hindi po, nakatulog naman po ako." magalang na sagot ko. "Sanay lang po talaga akong maaga nagigising."

"Masarap maglakad-lakad sa may dalampasigan ng ganitong oras. . ."

"O-okay lang po. Tulungan ko na lang po kayong magluto ng almusal." pilit ko.

Mamala being mamala ay hindi ako nakahawak ng sandok o hindi kaya nakalapit man lang sa may kalan. Naupo lang ako sa may likuran niya at pinanonood siyang magluto.

Habang nagluluto ng almusal si Mamala ay palihim akong gumawa ng Green Tea para sa magpipinsan. Sigurado akong may mga hangover ang mga 'yon dahil nakita ko ang sandamakmak na mga bote ng mga alak sa may labas na nililinis na ng mga tauhan ni Mamala.

"Good morning po, tita!"

Nagulat akong napalingon sa may pinto at halos mabitawan ko pa ang mainit na tubig na hawak ko dahil sa gulat. Nakita ko roon si Papa na kadarating lang at malaki ang ngiti habang nakatingin kay Mamala.

"B-bernard? Ikaw ba 'yan?" naiiyak na saad ni Mamala.

Agad na lumapit si papa kay mamala para yumakap. Hindi ko naman alam na ganito pala sila ka-close dalawa ni mamala! Sa itsura nila ngayon ay parang ang tagal nilang hindi nagkitang dalawa.

"Ang tagal mong hindi nagpakita! Naku! Alam ba ni Ianah na darating ka ngayon?"

Umiling si papa at tumawa. "Surprise po, tita. Wala pong nakaka-alam na pupunta ako."

"Anong nangyare sa isang mata mo? Bakit isa na lang 'yan? Nadisgrasya ka ba noon? Bakit hindi ka humingi ng tulong sa amin noon?" tanong ni Mamala.

Hinayaan ko na muna silang dalawa na mag-usap sa may kusina at nag-umpisa na akong maghain sa nakapahaba nilang dining table. Naiiyak ako sa dami ng plato at utensils na aayusin ko, siguro ang hirap maging tiga-hugas ng pinggan dito.

The One I Once Loved (Bravo Series 4)Where stories live. Discover now