Chapter 20

883 68 10
                                    

Warning: R18+

Lexianna Fah POV

Alas onse na ng gabi ng magising ako. Hindi na masakit ang ulo ko hindi katulad kanina pero  ang bigat-bigat ng katawan ko siguro dahil sa hike na ginawa namin.

Pagbangon ko sa kama ay kasama ko na pala lahat ng pinsan ni Zeejei na babae.  Amoy alak ang buong kwarto namin dahil mukhang nakarami ng inom itong mga kasama ko sa kwarto. Ni-hindi nga nila nagawang magpalit ng damit at mabuti na lang ay walang sumusuka sakanila.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa side table para tignan kung may nagmessage ba sa akin at doon ko nakita ang mensahe ni Zeejei sa akin mula pa kaninang alas diyes ng gabi.

Messenger
Engineer Baby 🫀

Baby, are you awake?

Y?

Wala pang isang minuto ay na-seen niya na kaagad ang message ko kahit pa 1 hour ago na siyang online.

Can you come to my room?  I miss you.

Bakit hindi si Dani  ang papuntahin mo sa room mo?

It's still my birthday, baby, hindi mo dapat ako inaaway. :'<

👍🏼

Dahan-dahan akong bumangon sa kama para magtungo sa kwarto ni Zeejei. Mahimbing silang lahat na natutulog ngayon sa loob ng kwarto kaya naging madali sa akin ang pagtakas.

Nang makalabas ako ng kwarto namin  ay palihim akong nananalangin na sana ay wala akong makasalubong o hindi kaya ay walang makakita sa akin na pupunta sa kwarto ni Zeejei dahil sigurado akong malilintikan talaga kaming dalawa kapag nagkataon.

Pagkarating ko sa harapan ng pintuan ng kwarto niya ay agad-agad akong pumasok doon at hindi na nag-abala pang kumatok. Wala akong Zeejei na naabutan sa loob kaya naupo na lang muna ako sa may ibabaw ng kama niya habang hinihintay siyang dumating.

Sigurado ako na inaasikaso pa muna niya iyong Dani na iyon bago siya magpunta rito.

Akala mo kung sino eh pareho lang naman kaming bisita rito. Ang pinagkaiba lang, bisita siya ni Zianah habang bisita naman ako ni Zeejei. Dapat nga kay Zianah siya nagpapa-asikaso at hindi kay Zeejei eh.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa non si Zeejei.

"Saan ka galing?" seryosong tanong ko sakaniya.

Hindi pa rin siya nakakapagpalit ng damit magmula ng matapos ang party nila. Pawis na pawis din siya kaya hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng iba.

"Sa kwarto lang ni Khione, nilagyan ko lang ng extra bed for her friends."

Tss, reasons. Sa itsura niya ngayon parang hindi lang extra bed ang inilagay niya, parang may extra service ring kasama!

"Ang sabihin mo inasikaso mo lang yung Dani na bisita mo!" sigaw ko.

Mabilis na nag-init na naman ang dugo ko ng marinig ang pangalan ng babaeng iyon. Ewan ko ba, pero wala talaga akong tiwala sakaniya. Unang tingin ko pa lang sakaniya parang handa niyang gawin ang lahat makuha lang ang atensyon ni Zeejei.

"I didn't. Ang kambal ko ang inasikaso ko at hindi ang mga bisita niya."

"Really?" sarkastiko kong tanong sakaniya.

"Baby. . ." kalmado niyang sagot sa akin.

"I'm so drunk, Zeej, can you take me in your room?" panggagaya ko sa sinabi nung babae.

The One I Once Loved (Bravo Series 4)Where stories live. Discover now