Mensahe mula sa Manunulat

23 2 0
                                    

Maraming salamat sa pagtangkilik sa Zone-Out Zone: Ako'y Alipin Mo Kahit Hindi Bati. Lubos akong natutuwa dahil sinamahan mo si Ramon sa kanyang mahabang paglalakbay sa ibang dimensyon. Doon pa lang ay lubos na ang aking pasasalamat.

Masasabi ko na hindi ganon kadali ang tapusin ang nobelang sinulat ko ngayon. Inabot ako ng mahigit isang taon upang kumpletuhin ito dahil madalas akong mawalan ng magagandang ideya. Salamat na rin sa Poong Maykapal dahil binigyan niya ako ng lakas at tiyaga upang tapusin ito.

Para siguro sabihin ko ang totoo, karamihan sa mga kaganapan dito sa kwentong ito ay nangyari na dati sa akin, at ang ilang mga tauhan dito ay hango rin sa ilang mga taong kilala ko na. Hindi ko na lang siguro sasabihin dito kung sino ang mga iyon upang makadagdag na rin sa misteryo.

Kaya ako nakakagawa ng mga ganitong nobela ay dahil madalas kong patakbuhin ang aking imahinasyon. Ayaw kong nasasayang ang mga naiisip ko kaya inilalagay ko ang mga ito sa isang sulatin hanggang sa makabuo ako ng isang kwento. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi pa ako sumusuko sa aking pangarap na maging isang doktor. Oo, mga mambabasa, isa akong estudyante ng medisina, tulad ni Ramon. Nagagawa ko pa ring sumulat dahil madalas akong tamaan ng kalungkutan na hindi ko maaaring ibahagi sa iba. Dito ko madalas nahahanap ang kasiyahan kaya nagagawa kong magpursige sa aking pangarap.

Nais ko ring iparating sa inyo, aking mga mambabasa, na sana ay tangkilikin niyo rin ang aking iba pang mga gawa dito sa Wattpad: ang dalawang fanfiction na pinamagatang The Kanto Journals: A Pokemon Crossover at Danganronpa: Trigger Happy Havoc Pinoy Edition. Nais ko ring abangan niyo ang isa na namang nobela na plano kong bigyan ng pamagat na The Senza Mortangel Chronicles. Sa panunulat na ito, nakagawa na ako ng tatlong kabanata sa kwentong iyon, ngunit plano ko itong ilagay sa Wattpad kung nakagawa na ako ng limang kabanata.

At huwag na huwag niyo ring kakalimutang antabayanan ang kasunod ng Zone-Out Zone: Ako'y Alipin Mo Kahit Hindi Bati. Plano ko itong bigyan ng pamagat na Super Zone-Out Zone 2: Nakatali Kasi Tulad ng Buhay Ko Ngayon.

Uli, maraming salamat sa inyo, aking mga mambabasa.

Battle_Pyramid

Zone-Out Zone: Ako'y Alipin Mo Kahit Hindi BatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon