Kabanata 28: Ang Pagtatalo sa Disyerto

31 1 0
                                    

Lumipas ang mga araw at nalaman kong bumalik na rin ang magkakapatid na pinaalis dati ni Jose, ngunit kasama na nila ngayon ang isang binata na mas bata lang sa akin ng ilang taon. Kung hindi ako nagkakamali, dinala na nila dito sa Egipto si Benjamin upang patunayan kay Jose na nagsasabi sila ng totoo noong araw na una silang dumating dito.

Pagkalapit nila sa aking pwesto, nagsalita ang isa sa kanila. "Mawalang-galang na po, ginoo. Nais po naming makita ang Gobernador ng Egipto na si Zafenat-Panea upang tuparin namin ang aming pangako sa kanya na dalhin dito sa Egipto ang aming nakababatang kapatid na si Benjamin."

"Um, ah oo," sagot ko. "Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Ruben, tama ba ako?"

Tumaas ang kanyang mga kilay sa pagtataka. "Paano niyo po..."

"Wala kang dapat ipag-alala, Ginoong Ruben," sabi ko. "Nasabi na sa akin ni Ginoong Simeon na labindalawa kayong magkakapatid, kaya kabisado ko na ang halos lahat sa inyo. Wala rin kayong dapat ipag-alala pagdating kay Ginoong Simeon dahil sinigurado kong maayos ang kanyang lagay sa amin."

"Mawalang galang na po, pero labing-isa na lang kami ngayon, dahil wala na ang isa sa amin," sagot niya.

"Akala mo lang 'yun," sabi ko sa loob ng isip ko habang tumango ako at nagsabing, "Hindi na bale. Kung susundan niyo ako, maaari ko kayong idala sa aming tahanan kung nasaan ngayon si Ginoong Zafenat-Panea. Sa tingin ko ay hindi pa tayo nagkikita-kita kaya hayaan niyo akong magpakilala muna sa inyo. Ako nga pala si Eiri-Neftis, ang ikalawang Gobernador ng Egipto, at ako ang inyong magiging gabay papunta sa aming tahanan. Ay, teka, Asher, natanggal 'yang tali ng sandalyas mo."

Lubos silang nagulat sa kanilang narinig, lalo na ang isang binanggit ko ang pangalan. Hindi nila siguro inaasahan na ang sasalubong sa kanilang pagbabalik dito sa Egipto ay isa sa mga Gobernador. Napangiti na lang ako sa sarili ko habang tumalikod ako sa kanila at niyayang sundan ako pauwi sa amin.

Nakita kong papalabas si Jose sa bahay nang nakarating na kami ng mga kapatid niya sa harap.

Hindi ko na kailangang magsalita ng kahit ano pa dahil nang nakita niya ang kanyang mga kapatid na kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Benjamin, agad siyang lumapit kay Benjamin at sinabing, "Maraming salamat sa inyong pagbabalik dito sa Egipto at sa pagtupad sa inyong pangako. Ngayon... ngayon alam ko na... na..."

Walang anu-ano ay bigla siyang bumalik sa loob ng bahay. Alam ko na hindi na niya mapigil ang kanyang mga emosyon dahil nakita niya ulit ang kanyang nakababatang kapatid na si Benjamin. Umiling na lang ako kunwari at lumingon sa mga kapatid ni Jose.

"Pwedeng maghintay na lang kayo sa loob," sabi ko sa kanila. "Mayroon lang akong kailangang asikasuhin saglit."

Nang pumayag ang mga kapatid ni Jose, iniwan ko na lang sila sa pasukan ng bahay at hinanap si Jose sa loob. Nakita ko siyang humahagulgol sa loob ng kanilang kwarto ni Asenat. Bukas ang pinto kaya nakita ko silang dalawa ni Asenat sa loob at mukhang pinapakalma ni Asenat ang kanyang asawa.

Hindi ko alam kung dapat akong pumasok sa loob ng kanilang kwarto ngayong nakita ko na sila, ngunit nang nakita ako ni Jose, dali-dali siyang sumugod sa akin at niyakap ako nang mahigpit na mahigpit habang humahagulgol pa rin siya. Hinayaan ko lang siyang yakapin niya ako hanggang sa kumalma na siya sa wakas.

"Sila ang mga kapatid mo, hindi ba?" tanong ko sa kanya nang kumalma na siya.

"O-oo, Juan," sagot ni Jose. "Ngunit paano mo nalaman ito? Wala pa akong pinagsabihan nito maliban kay Asenat."

Huminga ako ng malalim at inikot ko ang aking mga mata saka sinabing, "Sino ba naman ang hindi magkakaroon ng reaksyon tulad ng ginawa mo kanina kung makita mo ang mga matagal mo nang hindi nakitang mga kapamilya? Isa pa, nagkwento sa akin si Simeon tungkol sa nakaraan nila, at parehong pareho ito sa iyong naikwento sa akin dati. Sino pa ba ang may sampung mga kapatid na nagbenta sa kanilang nakababatang kapatid maliban sa'yo?"

Zone-Out Zone: Ako'y Alipin Mo Kahit Hindi BatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon