Darcy was so curious about the truck who was following us, yun yung pinahiram ng mall para maideliever yung mga t-shirts. Pabalik na kami ng AU as we're guiding the truck, baka kase maligaw.
"So what is the truck for?" hindi ko kinibo o sinagot si Darcy, hindi n'ya talaga magets na wala akong sasabihin sa kanya tungkol sa magiging larong gagawin namin this year.
Moments later ay nakarating na naman kami agad Sa campus. Sinalubong agad kami ng mga nagtatrabaho sa school para kunin yung mga damit at inilagay sa isang bakanteng room kase ididistribute yun sa lunes.
I see some working students are starting to decorate the surroundings. Some people are hanging LED lights around the campus. Some students paint walls para mas bongga.
Si Darcy ay nakasunod lang sa akin while her eyebrows are narrowed at nakacross arm pa. Ayaw n'ya non? Masusurprise din s'ya sa lunes. Kahit pilitin n'ya ako ng pilitin at tupakin man s'ya o magtampo wala talaga akong sasabihing kahit ano. She should have known that by now, parang hindi n'ya naman ako kilala.
After unloading the truck, I proceeded to gather all the students information to sort them into 2 groups which is the red and blue teams. Medyo natagalan talaga ako dun kase madami talaga ang students ng AU, pero alam ko naman na hindi lahat ng mga estudyante ay sasali, especially TVL strands na nakatuka sa mga booths, syempre hindi nila pwedeng ewan yun. Hindi lang sila, kase meron ngang mga working students na nag-aassist sa school cafeteria ngayon since mamaya magmumukhang magkakazombie apocalypse dun dahil siguradong magugutom talaga yung mga estudyante.
Tinutulungan ako ni Darcy sa paggawa ng dalawang grupo kahit na hindi n'ya alam kung ano yung lalaruin namin bukas. Naa-identify naman n'ya kung sino ang dapat napunta sa red at kung sino-sino ang dapat sa blue.
Natapos din kami ng mga bandang hapon, sa school na nga lang kami naglunch at nagpadeliever lang kami para talaga matapos yun today at sa lunes ang security guard na ang bahala sa pagbibigay ng mga t-shirts sa mga estudyante.
I drove Darcy to their mansion then umuwi na agad ako. May hahanapan pa ako ng baho, yung mga magulang ng mga bruha kanina. They should pay for what they did to that AU student earlier. I couldn't believe it that someone else plays with my toys.
After I arrived home, as expected wala pa si mommy at daddy. I gave Portia the car keys at went to my room immediately. Naeexcite ako sa gagawin ko, it has been so long since the last time I did it, when I expelled someone at school because I believe not everyone deserves to be my plaything specially when they don't really play. I consider those peeps as broken toys kaya need nila mawala sa playground ko.
I was browsing in my laptop, I'm not gonna lie but magaling ako sa paghahanap ng baho ng mga tao. Hindi naman kase pwedeng magrequest ako kay daddy na ifire sila, hindi papayag si daddy ng ganun— I'm not a spoiled brat as everyone think of me– so I really had to find something that will ruined them.
Few hours later when my parents arrive I immediately close my laptop and went downstairs, kukulitin lang naman nila ako na sumabay na magdinner sa kanila kaya mas okay nang bilisan at ng matapos agad.
"Hi Aki" bakas sa reaksyon ni mommy yung gulat kase hindi na nga nila ako kailangang kukulitin pa para sumabay sa kanila ngayong gabi.
"Prepare the food, Portia" utos n'ya sa maid.
Then we finally got to have dinner... together, pero hindi pa din maiwasang i-check nila yung mga cellphone nila sa dinner table. Di ba ako dapat yung sinasaway nila sa ganyang gawain pero sila mismo yung gumagawa kaya ayaw kong sumasabay sa kanila eh.
Hindi naman ako matagal kumain–basta kasabay sila– kaya agad akong nakabalik sa kwarto at ipinagpatuloy yung ginawa ko kanina. It's a little bit exhausting dahil hindi naman ako always nakatitig sa screens kaya hindi ako sanay, pero kapag naiimagine ko yung mga mukha nung mga bruha ay mas ginaganahan ako pabagsakin sila.
YOU ARE READING
Pretend The Prey
ActionAcaynie Alonzano, the Queen also known as the notorious campus bully crosses paths with the boy who has the potential to challenge her view of the world or love itself. Dive in on a roller coaster of emotions with Vanreeve Louie Fernandez as he guid...