CHAPTER 18

24 2 0
                                    

Naglalakad lang ako sa kabuuan ng campus. Naglilibot-libot, maaga pa kaya mamaya pa yung first period namin. Nasanay na akong maglibot sa buong school kapag umaga kase ito na rin ginagawa ko nitong mga nakaraan para mag-imbestiga, nasanay lang at naging habit na.

May hawak akong notebook at libro, nagrereview para sa long quiz namin sa last period mamayang hapon. Though parang hindi ko na naman kailangan.

Hindi ko naman sinasadya pero napadaan ako sa building ng TVL. Napatingala ako roon at nakita yung kaibigan ni Sophie sa taas. Nagbabasa tin ng kung ano. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ang ABM building na katabi ng TVL.

Kung yung HUMMS at STEM building ay magkatabi, dito naman sa part ng school na to ay ang ABM at TVL ang magkatabi.

Nasa kibro kang yung tingin ko kaya hindi ko na namamalayan yung nilalakaran ko.

Nagulat nalang ako ng malaglag yung notebook at librong hawak ko dahil sa pagkakabangga ko sa isang pader. Wait, kailan pa nangkaroon ng pader dito sa gitna ng pathway?

"Oh I'm sorry, miss" Sabi ng lalaking nasa harapan ko. Nakangiti s'ya sa akin ngayon, ngiting nakakaloko. Nakasunglasses s'ya kaya di ko kita yung kanyang mga mata.

Hindi pala pader yung nabangga ko. Well, mukhang tao naman yung nabangga ko.

"Nasaktan ka ba?" tanong nito sa akin kase nakatulala kang ako sa mukha n'ya at nakahawak pa ako sa pulsohan ko kase sumakit yun dahil sa pagkakabangga ko sa kanya kanina.

"I get it" binaba n'ya yung glasses n'ya tyaka tumingin sa akin. "Sometimes I get awestruck by my own appearance too." binalik n'ya ulit yung glasses n'ya sa mata sabay ayos sa buhok nito.

Napakunot naman yung noo ko dahil sa kahanginang sinabi n'ya "Ang hangin mo naman, Anong signal number ka sa bagyo?" kaswal na tanong ko dito.

Sinisikap kong hindi magpakita ng reaksyon sa kanya, baka isipin pa na nagkakagusto ako sa kanya. Sa unang tingin pa lang malalaman mo talagang mahangin s'ya. Sa tindig at postura kitang-kita na isa syang mahanging bagyo. Ang mga katulad n'ya usually walang laman ang utak, kundi puro hangin lang.

Napangiti s'ya sa naging banat ko. Yumuko naman s'ya at kinuha yung libro at notebook ko na hanggang ngayon ay nasa lupa pa rin. Iniabot n'ya yun sa akin. Nag-aalangan pa ako Kung kukunin ko ba o hindi pero kinuha ko pa rin habang nakatingin ng deretso sa mga mata n'ya. Para nga kaming nagkakaroon ng staring contest Ngayon.

"Good book" Sabi n'ya sa akin habang nakatingin sa librong bitbit ko na ngayon.

Matalim lang akong nakatingin sa kanya habang s'ya naman ay parang nag-eenjoy sa pagsusungit ko.

Akmang aalis na ako ngunit nang makalampas ako sa kanya ay sinundan n'ya pa rin ako ng tingin. "Wala man lang thank you or thanks d'yan miss...?" wala akong balak magpasalamat o magpakilala sa lalaking mahanging bagyo na to.

"Why would I thank you?" he looked at me smugly "I helped you" his lips formed into a smile.

Hindi ko na sana s'ya papansinin when someone called me.

"Queen" Saad ng pamilyar na boses sa di kalayuan.

Paglingon ko sa pinanggalingan ng boses na yun ay nakita ko ang isang taong hindi naman naglilibot ng campus kase palaging tutok sa phone o kaya tulog.

Wait, bakit s'ya nandito? Bakit n'ya sinisigaw pangalan ko eh hindi naman kami close.

"What are you doing here V–"

"Von?" Sabat ng lalaking kaharap ko kanina.

Hindi ko mapigilang mapalingon sa kanya "Von?" tanong ko sa kanya. Akala ko ako lang tumatawag ng Von Kay Vanreeve. "Do..." nilingon ko ulit yung seatmate ko bago binaling ang tingin pabalik dun sa lalaking Naka sunglasses "...you know each other?"

Pretend The PreyWhere stories live. Discover now