Parang sasabog sa sobrang kaba yung puso ko dahil bumungad agad sa akin ang maraming missed calls ni Darcy pagkaopen ko pa lang ng phone ko. Agad ko s'yang tinawagan kaso out of coverage raw.
Maraming masasamang scenarios ang pumasok sa utak ko na hindi naman nakakatulong sa akin. Paano kung may nangyaring masama? Paano kung s'ya yung binalikan nang mga taong nang-ambush kay Lolo?
Suck it, kailangan ko s'yang puntahan.
Hindi ko na maramdaman yung mga paa ko sa bilis nitong kumilos. Hinanda ko ang sarili ko para pumunta kina Darcy. Hindi ko na nga namalayang nakababa na pala ako ng hagdan, parang nilundag ko lang ang ilang mga hakbang nun.
"Miss Aki breakfa–"
"Shut it, Portia." hindi ko mapigilang magtaray dahil sa kabang bumabalot sa akin ngayon.
Agad akong pumasok sa kotse and gladly nandun na rin ang driver ko.
"Kina Darcy muna tayo." utos ko rito.
Walang tanong-tanong ay tinahak agad namin ang daan papunta sa bahay ng mga Delaciero.
Mabilis ang pagpapatakbo namin pero parang ito na yata ang pinakamatagal na byahe na naranasan ko. Habang papalapit kami ng papalapit sa bahay nila ay mas lumalakas ang tibok ng puso ko.
Kada liko namin sa mga kanto ay mas bumibilis ito ng bumibilis na parang nakikipagkarera. Pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga dahil sa kaba. Grabe rin ang pagpatak ng mga pawis ko mula sa aking noo at sa parehong pagkakataon ay nanlalamig rin ako. Hindi ko mapigilan ang marahang panginginig ng aking mga kamay habang hawak ang cellphone dulo na rin siguro ng kaba.
Hindi pa man nakakapagfull break yung kotse ay binuksan ko na agad yung pinto ng sasakyan. Hindi na ako nagdoor bell at derederetsong pumasok sa loob. Kilala na rin naman ako ng guard nila kaya hindi na ako hinarang nito.
Pagpasok ko ng bahay ay ang daddy ni Darcy na nagkakape ang bumungad sa akin. Bakas ang pagtataka sa mukha n'ya, kase malamang sa oras nato ay dapat nasa school na ako.
"Acaynie? What are you doing here? Wala ba kayong pasok?" imbis na sagutin ko ang mga tanong niya ay hinanap agad ng mata ko si Darcy sa paligid, pero wala.
Hinabol ko muna ang aking hininga bago nakapagsalita "Si Darcy po Tito?"
Inilapag n'ya muna ang tasa ng kape bago magsalita, "Pumasok na s'ya kanina pa. Why?" base sa naging reaksyon niya ay parang wala naman dapat siguro akong ikabahala. Kalmado lang s'ya, bakas pa rin sa mukha n'ya ang pagtataka.
Pero bakit ang daming missed calls ng gaga kung wala naman palang nangyari sa kanya?
I'm glad to hear that she finally decided to attend school after a long weeks of absences.
"Can I help you with something else?" tanong ni Tito na nakapagbalik sa ulirat ko mula sa pagkakatitig sa missed calls ni Darcy sa screen ng cellphone ko.
I slowly shook my head "Ahh wala na Tito. I should better get going now." tumango lang s'ya sa akin at kinuha ang kapeng nakapatong sa mesa, nagsimula na ulit sa pag-inom nito habang sa akin pa rin ang tingin na papalabas ng kanilang bahay.
Imposible naman na tawagan n'ya ako dahil malapit na naman akong malate kase di pa naman ako late. In fact, marami pa akong oras.
I heaved a deep sigh before entering the car.
"Okay lang ba kayo miss?" tanong ng driver na nakatingin sa akin gamit ang rear view mirror.
"I'm fine. Sa school na tayo." sagot ko rito.
Sinubukan ko uli s'yang tawagan pero out of coverage pa rin. Ano kayang ginagawa nun? Hindi pa rin humuhupa ang kaba na nararamdaman ko but it's much better now than it was earlier.
YOU ARE READING
Pretend The Prey
ActionAcaynie Alonzano, the Queen also known as the notorious campus bully crosses paths with the boy who has the potential to challenge her view of the world or love itself. Dive in on a roller coaster of emotions with Vanreeve Louie Fernandez as he guid...