I woke up on a hospital bed. May mga nakaturok na sa akin na kung ano-ano. Then I spotted Darcy on a sofa dito sa room ko. I don't know what happened. I can't remember anything, I just fall asleep then woke up in the hospital.
I tried to remember all that happened before ending up here in the hospital, but I failed. I can't recall anything.
I tried to wake up Darcy, mahina yung boses ko na halos wala na ngang lumabas dun. Paos ako at nanunuyo yung lalamonan ko na sa tingin ko ay may bitak-bitak na sa loob dahil sobrang tuyo na talaga nito sa pakiramdam ko. Masakit nga kung pilitin ko pa na ibuka at magsalita.
Dahil Hindi ko nga s'ya matawag, binato ko nalang s'ya ng unan. Hindi nagpatinag ang gaga tulog pa rin, hindi ko na s'ya ulit kinulit kase baka pagod lang s'ya sa pagbabanta sa akin. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon pero madilim ang labas na natatanaw ko sa bintana kaya I'm sure na gabi na.
"Oh, Queen, you are awake." Sabi ni Keircy pagpasok n'ya sa pintuan.
Anong ginagawa nito dito?
"What happen?" agad kong tanong dito kahit namamaos pa ako kaya medyo mahina boses ko.
"Sinugod ka nila Darcy dito kahapon, Hindi ka raw magising" Sabi nito at pinulot yung unan sa sahig at binigyan ng kumot si Darcy. Pinagpagan n'ya yung unan at dahan-dahan syang lumapit sa akin. When he finally get to my bedside he suddenly hold my nape and gently lifted my head, then Keircy put the pillow behind it.
"Sila mommy at daddy?" masama pa rin ang loob ko sa kanila pero kahit ganun I still think about them. Hindi nila ako masisisi na masama pa rin yung loob ko dahil sa ginawa nila.
"Bumisita sila kanina dito kaso tulog ka pa at naghihilik." he chuckled "Syempre kailangan pa din nilang pumasok sa trabaho" yeah what's new. Of course! It's always their job comes first before me, before their own freaking daughter.
Binigyan n'ya ako ng pagkain, pero syempre tubig muna at nararamdaman ko na desyerto na yung lalamonan ko. I ask him for my phone kaso hindi raw n'ya alam, baka nasa kwarto ko at hindi nila nadala. Sabi ni Keircy it's 3:27 in the morning.
Nagtaka nga ako kung bakit nandito s'ya, sabi naman nito na nag-aalala din daw s'ya sa akin. Tinawagan s'ya Ni Darcy para may kasama daw itong magbantay sa akin dito sa hospital. Ganun na sila ka close? Since when?
Ang boring, wala akong cellphone tapos hindi na rin ako makabalik sa pagtulog. Ikaw ba naman tulog buong araw diba? Aantokin ka pa ba nun?
Inutusan ko si Keircy na kunin yung phone ko sa bahay na agad nyang sinunod wala naman syang choice kundi sundin ako. S'ya itong nakikipagkaibigan sa akin eh. Pero nakakairita pa rin ang presensya n'ya. Mabait naman s'ya sa akin kaso may something lang talaga sa kanya that always pissed me off.
Ngayong nandito ako sa hospital, madami ulit akong naiisip. Sobrang dami at hindi ko na maisa-isa. Sobrang tahimik dito at ang tunog lang ng makina ng aircon ang naririnig ko.
Tiningnan ko ang pwesto ni Darcy pero wala na s'ya dun, yung kumot na lang na ibinigay ni Keircy ang natira sa sofa. Hindi ko man lang napansin na lumabas ito. Bruha talaga yun hindi man lang nagpaalam sa akin gayung gising naman ako.
Three soft knocks was heard from the door, baka si Darcy or si Keircy na yun.
"Come in!" sigaw ko dito, mahina pero alam ko na sapat lang yun para marinig ako ng kung sino na nasa labas ng pinto. Iilang Segundo ang lumipas pero hindi pa rin pumapasok ang taong nasa kabilang bahagi ng pinto gayung sinabi ko na naman na bukas yun. I kinda making me anxious to find out kung sino man yung kumatok kanina.
Kumatok ulit ito sa pintuan.
"I said come in!" utos ko pero hindi talaga pumapasok. Ano ba ang gusto niya? Ako pa magbukas ng pinto? Gosh! Nang-iinis ba 'to?
YOU ARE READING
Pretend The Prey
ActionAcaynie Alonzano, the Queen also known as the notorious campus bully crosses paths with the boy who has the potential to challenge her view of the world or love itself. Dive in on a roller coaster of emotions with Vanreeve Louie Fernandez as he guid...