CHAPTER 26

16 2 0
                                    

Matapos kong makalabas sa rooftop ng main building ay dumeretso ako pabalik sa classroom, kalahating oras lang ay nakabalik na rin si Von. Meron na kaming kasama ngayon na iilan sa mga kaklase namin dahil tuluyan na rin namang sumikat ang araw at nandito na ang iilan sa kanila.

Alam ko na sinusubukan niyang buksan ulit ang argumento pero agad ko s'yang iniiwasan o kaya binabara. Madalas ang pagtingin n'ya sa pwesto ko habang nasa klase, pero ang ginagawa ko lang ay kung hindi magpanggap na nagsusulat o makinig sa prof namin ay kinakalikot ko ang cellphone ko kahit wala naman talaga akong ginagawa dun. Cheneck ko lang sandali yun at naglaro na rin nitong nag-iisang game sa phone ko, itong 'Queen'. Sumuko na rin ako sa pagdelete nito kase medyo malaki na level ko eh.

Queen is a kingdom simulation and I was the one ruling it.

Maghapon ko s'yang iniwasan kase hindi n'ya rin naman ako makukumbinsi sa sinasabi niyang taong pumatay kay Sophie. Kung s'ya ang pumatay kay Sophie, ibig sabihin ba nun s'ya rin ang ama ng batang nasa sinapupunan nito bago s'ya namatay?

Ugh! Stop thinking about it. I've already made up my mind, hinding-hindi na ulit ako makikialam dun. Nasisira lang nito ang buhay ko, maybe the right thing that I could do right now is to move on. Baka nga yun na rin ang gusto ng namayapang babae, ang magkaroon ng kapayapaan at hayaan na s'yang makapagpahinga.



I was getting anxious sa mga nangyayari sa paligid ko. Sobrang busy at hindi na masundan ng mga mata ko ang nangyayari.

May dalawang hairstylist ang nag-aayos ng buhok ko ngayon habang nakaharap sa isang napakalaking make-up mirror. Nandito rin yung nakakarinding assistant nila mommy at daddy na inuutusan ang lahat ng mga tao sa paligid n'ya.

May nag-aayos din ng make-up ko, napaghahalataang nenenerbyo dahil sa medyo panginginig ng kamay n'ya na may hawak na make-up brush. As much as I want to scold her for being unprofessional, mas nangibabaw sa akin na gusto ko na agad yung matapos.

After a long period of time na halos naubos lang just by picking a limited edition stylish designed gown among thousands of it, I finally take a sigh of relief. Natapos din ang halos limang oras ng pag-aayos nila sa akin na kanina lang ay pakiramdam ko ay hindi na matatapos.

I was pretty struggling of dragging my massive floor length ball gown on my way out. Dahan-dahan lang ang naging lakad ko para hindi ito masagi sa kahit ano. Isa rin sa naging dahilan ng pagbagal ng kilos ko ay ang bigat din ng halos 15 layers na tela sa skirt pa lang ng gown.

I've heard that this gown weighs almost 8 kilos pero may mga wires naman sa ilalim nito na sumusuporta sa bigat ng gown kaya kinakaya. Meron din namang mga maid and guards ang nakaalalay sa akin ngayon.

I'm not really into social gatherings. Social gatherings makes me sick, puro plastikan at pekeng mga tawanan. Sometimes people just showcase how high and successful they are by bragging it to everyone and I know they see social gatherings as best opportunity to do so.

I always take my chances of escaping or saying no to celebrations, balls, and even a small get-together of the family each time I had a chance to. But this time, kahit anong pilit ko ay wala akong magawa. Today is the biggest gathering for every heir and heiress of big families in the field of business such as us.

This covers the families in Asia and Western Europe.

The purpose of this event is to strengthen the connections between the family and even though they're trying to deny it, alam namin na isa sa purpose nila ay mahanap ng kanilang mga anak sa event na yun ang maari nilang mapakasalan. With that, the wealthy family of both parties will become much stronger by merging with each other in a form of wedding.

Pretend The PreyWhere stories live. Discover now