CHAPTER 9

25 5 0
                                    

Ang aga at bungad agad sa akin ang dalawang mukha na presensya pa lang nila ay naiirita na ako. Well, itong isa talaga nasasagad ako.

"Queen, will you just admit it that you missed me?" pangungulit ni Darcy. Kanina pa s'ya nangungulit sa kin tungkol sa bagay na yun.

"That is facts! Nagpunta pa yan ng clinic looking so worried kase 2 days ka ng hindi pumapasok" panggagatong si Keircy.

"I will never ever miss anyone. And you" turo ko kay Keircy "Kailan pa tayo naging close?"

We might talk, have the same status in life but never kaming close at never kaming magiging close.

"There is no limit in our time naman, Queen. Marami pa tayong time para maging close" Sabi nito sa pambabaeng tuno kaya tawa ng tawa si Darcy. Ang babaw Ng kaligayahan nitong babaeng to.

"Cringe" at inirapan ko sila.

Paakyat na sana ako ng building ng may isang babaeng tumawag sa akin.

"Hey? Are you Acaynie Alonzano?" tanong ng isang babaeng may kaputian ang balat, at singkit na mga mata. I would say baka may lahi syang Japanese or something. She has a light make-up on and may katangkaran ng kunting-kunti lang sa akin. My mind is telling me that she's not a student kase kahit mukha syang baby face her body scream maturity.

"Yes, I am. Why?"

"Oh I'm your new teacher on PE. I'm kind of lost. Nakilala ko mukha mo from student form na nereview ko kagabi, I like getting to know my students before meeting them. Your surname caught my attention" I'm not surprised, Alonzano University and a student named Acaynie Alonzano.

I suddenly remembered that today is PE ang una naming subject. She must be looking for our classroom.

"Okay, just follow me ma'am...?"

"Jess, Jess Sanrio"

"Okay, follow me ma'am Sanrio"

I guided her until we reach out floor. Sabay pa kaming pumasok sa classroom.

"Transferee?" bungad ng isa kong classmate. Hindi ko s'ya sinagot bagkus dumeretso na ako sa upuan ko nandun na si Vanreeve, tutok na tutok sa phone hindi nga n'ya siguro napansin na may prof na kami. Pagkaupo ko ay sinadya ko na tabingin ang upuan n'ya, dahil dun ay tinanggal n'ya yung nakatakip sa kanyang tenga. Tumingin s'ya sa akin pero denedma ko lang. Napatingin s'ya sa harap pero nung napagtanto nyang may prof na ay kaagad n'ya ngang tinago ang cellphone sa ilalim ng desk.

The new teacher introduced her self to everyone, nakatuon sa kanya ang atensyon ng lahat ng estudyante kasama na din 'tong katabi ko. Titig na titig lang s'ya dito na parang nakatingin din s'ya sa phone n'ya, ganun s'ya ka focus sa teacher na nagsasalita sa harap ngayon.

This sight is so boring, no classmate is fidgeting all attention was on her. Though I can't blame them, what she was wearing is decent for a school teacher, even though she's not showing any skin we can see her fine curves na parang nagbabatak s'ya sa gym. Bakat na bakat yung dalawang malaking ano.

"Jealous?"

Napatingin ako sa katabi ko dahil bigla syang nagsalita "Why should I?" he just eyed the teacher and look right back at me "I don't care!" then I look the other way avoiding his gaze. Hindi ko pa rin kaya nakalimutan ang kagagohang ginawa ng lalaking 'to nung lunes "If you say so" pahabol n'ya.

We proceeded to our discussions and guess what? Hindi gumulo ang klase na parang nakasalalay sa nagsasalita sa harap ang buhay nila.

"Urgh!" I exclaim, Darcy was startled.

"Ano na naman?" tanong nito sa akin.

"Wala" sagot ko agad dito. Wala naman talaga. It just bothers me, ang weird kase ng klase kanina Sa first period eh.

Pretend The PreyWhere stories live. Discover now