CHAPTER 22

10 0 0
                                    

This is it. Wala na talaga. I can no longer avoid anyone now.

Hagulgol ng mga taong nasa paligid ko ang nagpupuno sa paligid. Naglulumpasay si Tito sa harap na halos ayaw nitong bitawan ang kabaong ni Lolo na dahan-dahang binababa sa kanyang huling hantungan. Hindi n'ya alintana ang bagsak ng ulan at maputik na lupa. Pinapayungan s'ya ni Daddy pero kahit ganun, nababasa pa rin s'ya.

Nandito na nga ako ngayon, pero pinili ko pa rin na hindi tingnan ang laman ng kabaong. Maaring ito na nga ang huli, but f*ck it. I still can't bring myself to have a glance of him for the last time. I freaking hate my self for that.

Si Darcy naman ay yakap ng mommy n'ya. Nakabaon ang mukha nito sa balikat ni Tita, she's doing it to suppress the sound of her sobs. Malapit-lapit lang yung pwesto nila sa akin kaya naririnig ko pa rin ang paghahulgol ni Darcy sa kabila ng ingay ng ulan.

Ayaw na ayaw ko ang tunog ng hagulgol n'ya. I'd rather hear her annoyingly tease me or something, 'wag lang syang umiyak ng tulad nito.

Nakatayo ako ng tuwid habang may hawak na itim na payong. Maputik na yung inaapakan ko at basa na ang bandang likuran ko dahil sa tulo ng tubig mula sa payong. Ganun din ang dulo ng black jeans ko kase natatalsikan yun ng patak ng ulan na may halong lupa na.

Ganitong-ganito rin yung naramdaman ko nang araw na yun. The feeling of being left and defeated. Ganito rin kabigat yung nararamdaman ko nun. That feeling when I can't do anything but accept it. The difference is this time, mahal ko yung nawala sa akin.

I always claim supremacy and try my best to keep everything under control, pero may mga bagay talagang hindi ko na kayang kontrolin kase tadhana na ang magiging kalaban ko.

Marahang tinatapik ni Keircy yung balikat ko para pagaanin yung aking nararamdaman. I can say, it's not effective. Masakit pa rin. Sobra.

Wala si mommy, nagpaiwan s'ya to manage the company. Ganyan naman sila palagi, the company comes first. Kahit nga siguro magkaroon ng apocalypse, magtatrabaho pa rin sila.

Tila ba manhid na yung mga mata ko. Masakit sa puso pero hindi naman tumutulo yung mga luhang natuyot na yata.

Kasabay ng pagbaba ng kabaong ni Lolo sa lupa ay ang bagsak ng ulan at makulimlim na kalangitan. Katulad ng madilim na kalangitan ang suot at nararamdaman ng mga taong nandito ngayon. Bakas na bakas ang lungkot sa mga mukhang nagpipigil umiyak at mga matang tuluyan na ngang lumuha.

Dahan-dahan ng binabaon ang kabaong sa maputik na lupa. Isa-isa ng nagsisialisan ang mga nakikiramay. Magkayakap na sila Tito, Tita, at Darcy. Yung ibang kapatid naman ni Tito hindi naka-attend ngayon kase nasa ibang bansa sila at may kanya-kanyang trabaho.

Hindi pa rin gumagalaw si Keircy at tuloy-tuloy lang ang pagtapik n'ya sa likod ko.

Nang tuluyan na ngang mabaon sa hukay ang kabaong, napagpasyahan na rin nila Darcy na umuwi. I just look at her expectantly, naghihintay lang ako na s'ya mismo ang lumapit sa akin, 'yan naman palagi ang ginagawa n'ya. Tumingin s'ya ulit sa pinaglibingan ni Lolo bago nagpatuloy sa paglalakad.

Her gaze caught me, akala ko maiinis s'ya pero tinakbo n'ya yung pagitan namin kahit pa umuulan. Noong malapit na s'ya sa akin ay tinalon n'ya na lang yung ilang mga hakbang at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Y-you c-came, Aki." mas lumakas ang hagulgol n'ya ngayon kompara kanina.

"How could I not?" pinilit kong tumawa sa sinabi n'ya.

I couldn't miss this.

Sumali na sa group hug si Keircy kahit walang nag-imbita sa kanya.

Dahan-dahan ng tumahan si Darcy at s'ya ang kumawala sa yakapan namin.

Pretend The PreyWhere stories live. Discover now