CHAPTER 3

40 6 0
                                    

The first four classes before lunch are boring. Most of the discussions are all about orientation and getting to know each other. 'Getting to know each other' is boring, yeah. Who's with me? I couldn't care less kung sino-sino ang makakasama ko this school year.

Nasa first floor ako ngayon, nag-aantay kay Darcy na nasa kabilang building. Usually sabay talaga kami nagpupunta sa cafeteria, kung minsan s'ya yung nag-aantay sa'kin. Akala ko nga nag-aantay na s'ya sa akin dito kase natagalan pa ako sa classroom kakacellphone at di ko na namalayan yung oras.

"Queen!" tawag ni Darcy sa akin nung makita ako.

I couldn't help but to roll my eyes heavenward, kase naman gutom na talaga ako. I spend almost half of the lunch time kakahintay sa kanya dito. Sinong di maiinis?

"What took you so long?" I growled at her pero nginitian lang ako nito at kinuha yung braso ko para yakapin at lambingin. Tinatry kong tanggalin pero grabe s'ya makakapit sa braso ko.

"Winarm welcome kami ni prof with activities, pinagawa kami ng essay kung anong ginawa namin nung bakasyon, then he told us to read it infront" sumbong n'ya sa akin while pouting her lips. Gusto siguro nito pakiusapan ko prof nila na di na ulit gagawin yun.

I might be supreme but I can't interfere with the teachers job. Anak man ako ng may-ari, teachers pa din sila at wala na akong magagawa dun at kailangan naman talaga nila magturo. Para saan pa at binabayaran sila ng school.

"Then you bragged about your trip to Italy with your parents?" I told her, yun naman kase usually ginagawa ng bruhang to, ang ikwento sa lahat ang mga byahe nila sa labas ng bansa.

She chuckled "Hindi naman masyado. Kunti lang" sagot n'ya sa akin.

Sabi na nga ba eh.



Naglakad na kami papuntang cafeteria habang s'ya ay maraming kwenento sa akin. Wala naman ako masyadong nacatch-up kundi yung mga salitang 'transferee' 'naligaw' 'gwapo'.

Nauna na akong maupo sa usual spot namin sa gitna ng cafeteria. This spot is meant for me. I love attention but I'm not an attention seeker; they just give it to me voluntarily. I mean who else wouldn't give their attention to a person like me, right?

"Anong gusto mo?" tanong ni Darcy.

"Soup and fried chicken, don't forget the extra gravy" kaswal ko na sagot sa kanya.

"Aye aye, Queen" sagot nito habang umaakto pang parang pirata na sumasaludo. Nakakahiya talaga 'to minsan, isip-bata.

I browse the internet to see what's new. Bungad agad sa akin ang post ng successful contract signing ng isang company sa company namin. Nawalan tuloy ako ng gana magcellphone.

Magandang bagay naman yun pero naiisip ko na...

'ito, kapalit ko'.

I unintentionally looked around and saw my annoying seatmate. He was alone until he wasn't.

A girl pops up out of nowhere. I think she's also a grade 12 student, TVL strand.

"Hi, my name is Lexi" pagpapakilala nito sa lalaki at inilahad ang kanyang kamay para makipagkamayan.

"I'm Vanreeve" short response ng lalaki at kinamayan yung babae.

Todo ngiti ang babae pero parang wala namang pake sa kanya yung kausap n'ya.

I think I'm gonna throw up. She is so cringe.

"May I sit here?" tanong nang babae.

I rolled my eyes out of annoyance.

Bago pa man sumagot yung lalaki ay ako na ang nagsalita. Malapit lang naman ako sa kanila kaya di ko na need sumigaw.

"No, you may not" I answered her with a straight face.

Pretend The PreyWhere stories live. Discover now