CHAPTER 11

27 4 0
                                    

This past few days ay nagbabantay talaga ako sa mga kilos ko. Nakabantay din kase ang kupal na si Von. Tuwing lumilingon ako nandyan s'ya. I started to regret na din kung bakit ko pa s'ya ginawang seat mate kase presensya pa lang n'ya ay ginugulo na ako dahil hindi ako mapakali kapag malapit s'ya. Hindi na ako makareklamo ngayon since lumipas na ang ilang mga linggo kaya tinanggal na sa room ang mga seats na walang gumagamit o walang nagmamay-ari kaya wala na syang malipatan.

"Aray! Ano ba? Do you have any death wish?" tanong ko sa isang estudyanteng nakabangga sa akin sa hallway. Paano ba namang hindi ako mabangga, sa hallway sila naghahabolan ng boyfriend n'ya ang lalandi! Gosh! Get a room "Hindi playground ang hallway! My Gosh!"

"Sorry, Queen" bubungangahan ko pa sana ang babae ng makita kong nasa malayo lang si Von, nanonood.

Wala naman syang sinabi tungkol sa pambubull– I mean pagdedesiplina ko sa mga students but his gaze told me otherwise. It's telling me as if I was dead if nambully ako. Ganyan siguro ang nakikita ng mga prey sa akin. I feel like I was a prey pero alam kong s'ya naman talaga yun I'm a superior and I am born to be one. One time I caught some students cornering him pero wala akong pake. He dared to threatened and blackmail me why would I save him?

Nagpatuloy ng ganun ang buong linggo ko. Nagpipigil ng galit sa mga taong nasa paligid ko, gusto ko na ngang sumabog eh. Pero I still choose my freedom na magkalayas ng bahay kaysa makafeel ng satisfaction kapag nakakapanakit o may tinakot kang tao. Mas pipiliin ko nalang na ganito kaysa mastock sa impyernong bahay na yun nakakasakal ang atmosphere basta nandun ang parents ko.

"When will you stop doing this to me?" tanong ko sa kanya.

Napangisi ito "until this school year ends, I guess?" patanong na sabi nito sa akin.

Pwede ko naman sanang ipaexpell ang lalaking ito diba? Yes! I tried to. Naghanap ako ng pwedeng ireason para ipaexpell s'ya pero yung record n'ya, purong-puro walang bahid ng kasamaan wala naman akong mahalungkat na pwedeng gawing issue sa kanya. And hate to say this pero halos magkasing talino kami kaya hindi ganun kadali ito para sa akin. Habit n'ya nga lang siguro mag-absent pero pwede ipanglaban sa mga competitions ang utak n'ya.

I hate to admit it that I choose to mess with a wrong prey this time? No! I could mess with anyone I want. Siguro nga matalino s'ya and all but he was still a prey, may kahinaan. He is poor and maybe I could use that against him pero baka matunogan ako at mayari eh so I couldn't risk it.

FROM: 09*********
Talk to me, your majesty. Naboboring kase ako eh.

The creep texted me again. This time hindi ako nainis sa kanya. I set his name to 'papansin' para every time na magtext s'ya sa akin ay hindi na yung number n'ya ang agad bungad sa akin, malapit ko na kaseng mamemories number n'ya eh. Punong-puno na ng numbers ang buhay ko dahil sa strand na pinili ko. Minsan pa sinesendan pako nito ng mga numbers na walang sense.

TO: Papansin
Gusto mo ba ng interesting story?

Nagreply agad s'ya.

FROM: Papansin
Yes, please.

TO: Papansin
Story na lang kung paano ko imurder ang seatmate ko:>

FROM: Papansin
Tell me about it. Ano ba ang ginawa ng seat mate mo?

Mabilis kong tinype yung mga hinanakit ko sa lalaki.

TO: Papansin
Nambubwesit s'ya eh. Akalain mo yun! S'ya pa lang ang kauna-unahang taong namblackmail sa akin. Every night I have been plotting my murder plan in the back of my head. Madami na nga akong naiisip na paraan para hindi ako mahuli, yun bang smooth talaga at walang sabit.

Natagalan pa ito bago makareply. Medyo mataas naman kase yung sinend ko so I know it would take time.

FROM: Papansin
I could help you about your plans.

Pretend The PreyWhere stories live. Discover now