CHAPTER 17

17 2 0
                                    

Hindi pa rin nawawala sa isipan ko yung nalaman ko sa best friend ni Sophie. My suspensions about Von is getting stronger and stronger each day, it haunts me even in my dreams! Sa loob ko feeling ko hindi naman s'ya relevant pero may something din na nagsasabing may kinalaman nga s'ya. Hati yung isipan ko sa mga posibilidad.

Napasabunot ako sa sarili ko out of frustration at naiinis talaga ako dahil hindi ako makapag-isip ng maayos.

"Sinabi mo na lang sana sa akin Queen na ayaw mo talagang sumama, hindi naman kita pipilitin" sabi ni Darcy na nasa tabi ko lang. Nagmemake-up s'ya tapos ang gamit nyang salamin ay yung rear view mirror.

"It's okay, mas mabuting ako na maghatid sayo"

Syempre palusot ko lang yun. It's weekend at may meeting daw sila ng party list nila and of course kasama si Von dun. Plano ko s'yang komprontahin kaso nagdadalawang-isip din ako baka mali at mapahiya ako diba? May pagdududa na s'ya sa akin baka mas lumala, well the feeling is mutual.

Nang matapos na si Darcy magmake-up ay sabay na kaming lumabas ng sasakyan. Yung pagmemeetingan nila ay 3rd floor ng main building. Yung 1st floor naman yung sadya ko kase nandun yung faculty and iilang teachers lang ang nandito, baka nga wala pang tao dun ngayon kaya I can freely roam it na hindi nagagambala.

She wave at me before finally taking the stairs. Ako naman ay agad na tumungo sa loob ng faculty and as expected walang katao-tao, tahimik.

Tunog ng wall clock at mga makina lang ng aircon ang maririnig.

I tiptoed my way to the monitor room. Kahit sinabi na sa akin ni Von na wala ng footages na pwede naming mapakinabangan dito ay syempre wala akong tiwala sa kanya. What if he missed something? Dapat double check. Mas sigurado kung ako na mismo ang magcheck.

Medyo malaki din itong monitoring room. Madaming TV at nakadisplay sa screen ang iba't-ibang parte ng school kasama na dun ang rooftop ng each building and yes! Kasama ang rooftop ng main building kung saan ginawa ni Sophie yung–

"Hello?" I heard a female voice came from outside.

Nagtago agad ako sa isang madilim na parte ng silid. Ang pinagmumulan lang kase ng liwanag dito ay yung mga TV at hindi yun ganun kaliwanag. May mga malalaking box dito kaya isinuot ko ang sarili ko sa likod nito.

Sakto at nakatago na ako bago bumukas ang pinto.

"Hello? May tao ba rito?" tanong ng boses. Kahit madilim sa direksyon ko ay nakikita ko naman ng malinaw kung sino yung nagsasalita. Si ma'am Jess Sanrio yung PE professor namin.

Natakpan ko nalang ang bibig ko. Dahil sa kaba, ay feeling ko ang lakas kong huminga at pakiramdam ko maririnig yun ni ma'am Jess.

I breath a sigh of relief when she finally leave the room kasabay nun ang pagsirado ng pinto ng monitor room.

Gosh! I hate this! Property ng family ko ang school yet nagtatago ako ng ganito.

I took my phone out para magrecord ng video. Yes, matalino ako sa mga lessons na dinidiscuss pero wala akong alam kung saan sa mga nandito ang pwedeng magbigay ng lead or clue sa amin.

Hinalungkay ko yung mga box kaso random things lang ang nandun at wala akong nakikitang posibleng may pakinabang.

Nung inaayos ko na yung mga kahon na kinalkal ko ay may isang USB na nalaglag mula rito. It's labelled at 'Secret' of course it will be named as secret! Hindi ko man sure kung may connection ba to sa case ni Sophie I still took it and put it inside my pocket.

"You owe me one, Prey" Sabi ko sa video bago ito pinutol.

I slowly open the door. The coast is clear kaya dahan-dahan akong lumabas. Habang palapit ako ng palapit sa labas ng faculty ay mas gumagaan na ang hinga ko di tulad kanina.

Pretend The PreyWhere stories live. Discover now