CHAPTER 7

30 6 2
                                    

Finally dumating din ang araw na paborito ko every school year. Di nga lang ako sure kung makakapunta si Darcy dahil na din sa nangyari sa lolo n'ya kahapon, baka nga nasa hospital pa yun nagbabantay sa Lolo n'ya. Malapit kase sila sa isa't-isa.

Bago makapasok, sa gate pa lang dinidistribute na ng mga guard yung red and white t-shirts. Yung mga booth may mga laman na din. Everything is going great. May ibang estudyanteng sinuot na yung kanikanilang mga kulay dahil ang kulay lang naman blue and red. Red Yung kulay ko this color screams supremacy while blue means you already know what.

"Hi, Queen. Pretty crowded huh?" it was Keircy.

"As if you're not used to this" sagot ko.

"Si Darcy nga pala? Di ko pa s'ya nakikita, usually magkasama kayo" he gasp "Wait! Nag-away kayo 'no?" sinuntok ko yung balikat n'ya at binato s'ya ng mataray kong tingin.

"Wala sa bokabularyo namin ang mag-away. Mag-asaran at tampuhan lang" Sabi ko sa kanya.

"Di ba same thing lang yun?" he asked me.

"We are built different" sagot ko at inirapan ko s'ya.

Wala pa mang sineserve na pagkain sa cafeteria ay marami na ang nakatambay dun. Marahil kase may upuan dun at ayaw lang nila magstay sa kani-kanilang classroom.

Umakyat na din ako sa floor namin at mabibilang lang ang nga estudyanteng nandun. I proceeded to my seat and try to reach Darcy kaso di ko s'ya matawagan, nagriring lang and ayaw ko naman din na makaistorbo baka busy s'ya ngayon.

My seat mate entered the class room. Nakasuot s'ya ng earbuds katulad kahapon at focus lang sa cellphone. He is in blue team as expected, Ako naman kase nag-assign dun.

Derederetso lang s'ya sa paglalakad ng hindi nakatingin sa dinadaanan pero kahit ganun, wala syang nababangga. He finally reach his seat ready to sit down but then I grab it kaya deretso ang upo n'ya sa sahig.

"Oh Von, I didn't see you there" pinipigilan ko talagang hindi matawa sa nangyari sa kanya.

Tumayo agad s'ya.

"It's funny how you didn't see me kahit sa ating dalawa ikaw yung hindi madaling makita, Queen" ngumisi Lang s'ya sa akin and that made me pissed off.

Dinampot na n'ya yung kanyang upuan at umupo don. Tutok na tutok pa din sa kanyang cellphone na parang walang nangyari. He look... unbothered kaya mas naiinis ako.

Nagpapakaunbother din ako sa kanya, kaso presensya pa lang n'ya naiinis na ako. Kaya determinado akong inisin s'ya pero walang epekto sa lalaki.

FROM: 09********
Ang cute mo talaga mainis. Smile ka nga.

I look around the room and kakaunti lang ang tao dito. Everyone looks suspicious because they're holding there phone, pero walang kahit isa sa kanila ang nakatingin sa akin.

Lumabas na ako ng classroom pati na din yung mga classmates ko nererequest na kase ni Silvia yung mga students to proceed Infront of the main building na malapit sa stage.

Pagbaba ko ay marami ng tao pero malaki naman yung ground kaya keri lang.

"Wala pa din si Darcy huh?" si Keircy, nakasuot na s'ya ng red t-shirt.

He put his hands on top of his eyebrows trying to spot Darcy in the crowd.

"Baka hindi na makapunta yun, nagkaemergency kase kahapon" hindi na s'ya kumibo dahil nagsasalita na nga si Silvia sa harap. It's more on formalities lang naman such as prayer, flag ceremony, opening remarks, etc.

Matapos yun ay ang highlight ng event na 'to ang announcement kung anong laro ang lalaruin namin for this year's welcoming ceremony.

Umakyat na ako ng stage and Silvia pass me the microphone, nakared na din s'ya. She smiled at me before exiting the stage.

Pretend The PreyWhere stories live. Discover now