Nakailang missed calls na sa akin si Darcy, nasasagot ko lang s'ya sa text message kase ayaw kong marinig n'ya ang boses ko. Paos ako ngayon dahil magdamag akong umiyak. Hindi ko pa rin tanggap ang nangyari kay Lolo. I can't believe that he was defeated by his sickness. Damn, sickness.
Dahil wala akong magawa kung di ang umiyak ng umiyak at mugto na ngayon ang mata ko, naglalaro nalang ako ng game na nagdownload lang bigla sa phone ko, yes hanggang ngayon hindi ko pa rin nafifigure out kung paano yun napunta sa phone ko at kung bakit hindi ko man lang yun madelete-delete kahit ilang beses ko nang sinubukan. Nakakainis kase habang naglalaro ako hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
It's 4:00 in the morning and I still can't help myself to get up. Wala akong gana pero wala rin akong planong lumiban. Umaasa akong papasok si Darcy ngayon kase 6 days na syang hindi pumapasok besides, election day na ngayong araw and I think she can't missed that.
Pagbangon ko sa kama ay dumiretso ako sa harap ng salamin. Hinawi ko ang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko para maobserbahan ang itsura ko sa salamin ng mas maayos. Tumambad agad sa akin ang tuyong labi at namamaga at pulang mga mata ko. Bakas din dito na pagod na akong umiyak. Pagod na naman talaga ako kaso minsan talaga hindi maiwasan at kusa na itong tumutulo.
My body is tired, but what can it do? My heart is freaking grieving.
Nagring ulit yung phone ko, alam ko naman kung sino yun. Gustuhin ko man syang kausapin ay baka mag-alala lang s'ya sa akin at dadagdag pa ako sa iisipin n'ya. Kaninang madaling araw pa s'ya tawag ng tawag sa akin malamang hindi pa to natutulog. Gusto ko man syang tanongin kung papasok ba s'ya ngayon, pero baka magtunog insensitive naman ako nun. Pero umaasa talaga ako na papasok s'ya.
Hindi n'ya naman siguro papalampasin yung election.
Nawala sa amin si Lolo noong miyerkules at nagsimula ang burol n'ya noong sabado. Pangatlong araw na ng burol ni Lolo ngayon. Gabi-gabi pumupunta sila mommy at daddy kina Darcy, inaaya nga nila ako kaso palagi ko yung tinatanggihan. Hindi ko s'ya kayang makita na nakahiga sa loob ng isang kabaong. Hindi pa ako handa, hindi ko rin alam kung magiging handa ba ako pagdating ng panahon na kailangan ko na talaga syang makita. Magagalit yun sa akin kung di ko s'ya bibisitahin.
Oras na ng agahan ng may marinig akong katok mula sa pinto ng kwarto ko. Kakalabas ko pa lang ng CR. Inubos ko kase isang oras ko sa pagtunganga, dapat ngayon nasa school na ako.
"I'm not done yet Por– Keircy?" nagulat ako nang hindi pala si Portia ang kumatok kanina.
Nakabathrobe pa ako tapos nakabalot ang buhok ko sa isang tuwalya.
Sinara ko sa pagmumukha ni Keircy yung pinto at dali-daling nagbihis. Hindi naman pwedeng harapin ko s'ya ng ganito.
Ilang minuto ang lumipas ng matapos na akong magbihis at binuksan ulit ang pinto.
"What are you doing here? Ang aga-aga pa" bungad ko dito.
He cleared his throat before speaking, "I was thinking, I should give you a ride today to make sure to accompany you and also to make sure na hindi ka aabsent" he showed a smile after explaining what he is doing here.
"Wait for me in the dining table. Let me dry myself okay?" hindi ko na s'ya binigyan ng pagkakataon magsalita. Naiirita ako lalo na at basa pa ang buhok ko ngayon dahil kaliligo ko lang.
Noong sabado pa ako kinukulit ni Keircy na sumama sa kanya para pumunta kina Darcy. Kagaya ng ginagawa ko kina Mom at Dad I always decline it. He respected it though pero 3 consecutive days na syang pumupunta dito sa amin. Kahapon nga nagdala pa s'ya ng chocolates and flowers para pumayag lang ako na sumama.
YOU ARE READING
Pretend The Prey
ActionAcaynie Alonzano, the Queen also known as the notorious campus bully crosses paths with the boy who has the potential to challenge her view of the world or love itself. Dive in on a roller coaster of emotions with Vanreeve Louie Fernandez as he guid...