CHAPTER 13

20 2 0
                                    

SOPHIE HAZEL AMARYLLIS

Naghahanap ako ng mga baby outfits dito sa mall, wala naman akong balak bumili wala akong money pero naeexcite ako eh. Kanina lang nalaman ko na buntis pala ako. Isusurprise ko ang papa nitong baby sa sinapupunan ko kung magkaroon ako ng tyansa malapitan ulit s'ya.

Hinawi-hawi ko yung mga maliliit na damit na nakasabit para maghanap ng damit na pasok sa taste ko. Hindi ko pa alam kung ano ang gander ng baby but it didn't stop me na maghanap dito.

"Omg, right? Like what the he– Omg is that... Sophie?" narinig ko ang pangalan ko kaya napalingon ako ng kunti sa nagsalita. Sila na naman.

Nakatalikod ako ng bahagya sa kanila kaya alam ko na hindi sila sigurado kung ako nga ba talaga ang nakita nila. Bago pa man sila tuluyang makalapit sa akin ay tumakbo na ako palayo. Mga demonyita yung mga yun, palagi akong pinagtitripan.

Tumakbo ako ng tumakbo habang lingon ng lingon sa likod ko, sinisiguradong hindi nila ako maaabotan. Kakalingon ko sa likod hindi ko na inisip o tinatanaw ang harapan ko kaya hindi ko sinasadyang may matabing.

Nagulat din ako sa nangyari at napalingon sa kanya, but to my horror I saw a familiar face, mukha ng isang taong kahit sino ay ayaw makabangga. Dahil sa gulat ay napaupo ako sa sahig. The moment I hit the tiled floor it sends shiver to my body, sobrang lamig ng sahig.

Humingi agad ako ng tawad, ayaw kong pati ako ay saktan n'ya. Ayaw ko na magalit s'ya sa akin, sa school iwas na iwas ako sa mga taong tulad n'ya.

"Are you okay?" walang tuno nyang tanong sa akin na parang nag-aalala pero alam ko na hindi rin s'ya galit. Hahawakan na rin n'ya sana ako kaso ang katawan ko mismo ang umiwas. Baka trap lang at umaacting lang s'ya. Kilalang-kilala ko ang mga katulad n'ya.

"I knew it! I was not wrong sa nakita ko. It really is that pathetic Sophie" Hindi ako lumingon sa kanila, ayaw ko na makita ang mga mukha nila. Nararamdaman ko ang paglamig ng aking buong katawan. Malamig pero pinagpapawisan ako. Napapagitnaan ako ng dalawang panig na kahit sa buong buhay ko ay hindi ko naisip na pwedeng mangyari.

Ang tunog ng mga sapatos nila habang lumalapit sa kinaroroonan ko ay nagbibigay ng kaba, kada hakbang ay nanunuyot ang lalamunan ko sabay nito ang paglakas at pagbilis ng tibok ng puso ko, dahil dito ay hindi na ako makagalaw at halos hindi na rin makahinga dahil sa bigat ng dibdin ko gawa ng kaba.

"Is she..." nahinto s'ya saglit sa pagsasalita, dahil dun ay hindi ko maiwasang hindi mapalingon "...with you?" tinutukoy n'ya si Queen.

Dahil dun ay agad akong napailing-iling dahil sa sinabi n'ya. Sinagot ko na rin ito na hindi ko s'ya kasama. Matapos ko yung sagutin ay lumapit sila sa akin at pinapatayo ako, ayaw ko man ay pinipilit talaga ako nito. Hanggang sa hindi na lang ako nagpumiglas at baka kung ano pa na mas masahol ang gagawin nila sa akin at mapahamak pa ang baby ko sa aking tyan.

I can't risk it. May dala na ako ngayon.

"Wait" biglang nagsalita si Queen. Kaya nahinto ang mga demonyitang humihila sa akin.

"I just realize that you are taking something that doesn't even belongs to you" bakas ang inis sa boses n'ya. Alam ko na naiinis s'ya kahit di ko man ito makita dahil nakayuko ako ngayon. Hindi ko na mapigilang maiyak.

Why is she doing this? Sasaktan n'ya rin ba ako?

Nakaharap na ako kay Queen pero nakayuko pa rin ang ulo ko. Dahan-dahang lumapit si Queen at hinila ako palayo sa mga nakahawak sa akin kanina. Masakit yung pagkakahila n'ya sa kwelyo ko dahil sapilitan n'ya akong kinuha sa kamay nila.

Nagkasagutan silang lahat. Napapatawa ako ng kunti sa mga tanong mga demonyita kay Queen. Hindi nila alam na s'ya nga ang anak ng may-ari ng AU. Bigla namang dumating ang isang babaeng may dalang mga shopping bag. Ang alam ko kaibigan yun ni Queen. Si Darcy, palagi n'ya itong kasama halos kahit saan kaya hindi nakakapagtaka na nandito rin s'ya.

Pretend The PreyWhere stories live. Discover now