Dahil sa kahihiyang nangyari kahapon, hindi muna ako masyadong nagpapakita sa lalaking yun. Hindi ko muna dapat s'ya makita as much as possible pero hindi ko naman talaga s'ya maiiwasan since seat mate kami. Lumilingon nalang ako sa kabillang direksyon kung saan di ko s'ya makikita. Binabawi ko muna yung hiya ko bago ko s'ya bawian. Speaking of hiya, Isa pa 'tong si Keircy'ng walang hiya, siya ang nanalo sa red team kahapon dahil bumatak pa sa pagbaril eh mayaman na naman sana hindi pa pinagbigyan yung iba.
Hindi ko muna pinagtripan yung lalaki ngayong araw. Aside sa pinahiya n'ya ako kahapon is puno talaga ng pag-aalala yung isipan ko kaya hindi ko s'ya mapagtripan. Dalawang araw na kaseng hindi pumapasok si Darcy, hindi din tumatawag o nagtetext kaya hindi ko talaga maiwasang mag-alala.
"Queen? Can you answer the question on number 2?" tanong ng prof.
Tiningnan ko lang yung problema, buti madali lang– hindi pa naman ako nakinig– kaya madali ko yung nasolve. Bumalik ako sa upuan ko ng wala sa isip.
"A penny for your thoughts. Is there a problem?" tanong ng seat mate ko.
"Kailan pa tayo naging close?" pagtataray ko at inirapan ko pa ito. Akala n'ya siguro nakalimutan ko na yung ginawa n'ya kahapon.
He leaned closer to me "Gaano ka close?" dahil sa ginawa n'ya ay nagflashback bigla yung posisyon namin kahapon dito mismo sa classroom namin.
I shook my head para mawala sa isip ko yun "Lumayo ka nga!" tinulak ko s'ya pabalik sa pwesto n'ya at ngumisi lang ng nakakaloko ang gago.
Tumayo ako sa upuan ko at akmang lalalabas ng magsalita yung professor na nagtuturo sa harap.
"Where are you going, Queen?" I mentally rolled my eyes.
"Sa clinic I don't feel well" dahil dun ay tumalikod na ako, pero bago pa man ako makatalikod ay nakita ko naman ang pagtango n'ya.
Pumunta na ako ng clinic, busy ang nurse hindi nga siguro ako namalayang pumasok nun– I don't need any assistance din naman. Humiga agad ako sa kama then browse my phone. I stared at Darcy's number for a while before clicking it to make a phone call but as expected cannot be reach s'ya.
TO: Darcy
Please call me if you have a time to spare. You're clouding my mind right now, I can't think straight so please inform me about lolo's condition.Nabagsak ko yung phone sa kama at tinitigan ko ang puting kisame ng clinic.
"You miss her?"
"I do" I absentmindedly answered the question. Napabalikwas ako dahil dun and then I found Keircy.
Natawa s'ya sa naging reaction ko dahil dun ay binato ko s'ya ng unan at nasalo n'ya lang yun ng walang kahirap-hirap.
"Anong ginagawa mo dito?" I immediately ask him.
"Masakit utak ko" sagot n'ya.
"Meron ka ba nun?" pang-aasar ko.
"My intuation says you will be here and guess what? Nandito ka nga" biglang nanlambot ang paningin n'ya sa akin.
"Pake ng intuation mo sa akin? Sabihin mo na pakealamero s'ya" nakatakas nga kay Von sa room nandito naman tung si Keircy.
Natahimik na ang lalaki, I suffocated him with a pillow kaya ayan tulog forever. Joke, hinampas ko lang s'ya ng unan Ng paulit-ulit hanggang hindi na n'ya ako kinukulit. Hindi kami napansin ng nurse kase hanggang ngayon busy pa din sa kung anong ginagawa n'ya, plus nasa dulong bahagi kami ng clinic kaya I'm sure na hindi n'ya talaga kami maririnig.
Tumunog ang bell for lunch time at wala man lang akong gana pumunta ng cafeteria. Si Darcy kase nagtatyagang pumila para umorder don. Ayaw kong pumila kaya kumain nalang ako ng biscuit at juice na binaon ko for lunch– I've already think in advance kase kung nandito si Darcy today hindi ko na to kakainin at nasa cafeteria kami ngayon having our lunch.
YOU ARE READING
Pretend The Prey
AksiAcaynie Alonzano, the Queen also known as the notorious campus bully crosses paths with the boy who has the potential to challenge her view of the world or love itself. Dive in on a roller coaster of emotions with Vanreeve Louie Fernandez as he guid...