CHAPTER 21

27 2 0
                                    

"One iced coffee."

Kaninang umaga ay napagdesisyonan ko na mag-absent at pumunta kina Darcy, to see Lolo.

Habang nagdadrive iniisip ko kung anong pwede kong sabihin kay Darcy at sa Daddy n'ya para kahit paano ay mapagaan ko yung kalooban nila, when it hit me, hindi pala ako magaling magcomfort. I absentmindedly drove, hindi ko namalayan na nandito na ako sa coffee shop. This is definitely not the way to Delaciero's residence.

Naisip ko na nandito na naman din ako, why not umorder na lang ako? Then, iisipin ko ulit kung tutuloy pa ba ako sa pinaplano ko.

Kanina buong-buo ang loob ko na kitain na sila, kaso ngayon nagdadalawang isip ulit ako. My consciousness drove me here, parang hindi pa rin nito kaya. Iniisip ko pa lang na nandun na ako sa bahay nila, naninikip na agad yung dibdib ko.

I fished my phone out of my bag when it rang indicating that it received a message.

From: Papansin
I want to get close to you.

I'll admit it, I was pretty disappointed that the text message wasn't from Darcy. Hindi n'ya na ako kinukulit mula noong election day.

Napalingon ako bigla sa pintuan ng coffee shop ng may biglang sumigaw dun.

"Trie? Kailan ka pa nakabalik? Anong gusto mo?" sabik na sabik na tanong ng cashier kay Atrius.

"I've been staying here for a few weeks now," sagot nito habang hinihimas ang batok, "I want the usual." order nito sa cashier.

Nang matapos s'yang umorder ay napalinga ito sa paligid para maghanap ng table. The moment he spotted me, unti-unting naglaho ang malaking ngiti sa labi n'ya kaya natauhan ako na kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya. I gulp down my iced coffee while staring outside the window, hoping that he wouldn't come here.

Bigla niyang kinatok ang table ko pero patay malisya lang ako rito at patuloy pa rin sa pag-inom habang nakatingin sa labas.

"If you keep on ignoring me right now, I wouldn't assure you that our conversation will not go smoothly." sobrang lamig ng boses n'ya ngayon.

Nang nilingon ko na s'ya ay bumungad sa akin ang seryosong mukha n'ya, far from the usual whacky face he had.

I scoffed, "Are you threatening me?"

"Are you threatened?"

"If gusto mong makipagbardagulan 'wag ako." now I'm seeing him eye to eye.

"Why didn't you tell me?"

"Tell you what?"

"That she's gone." nabigla ako sa sinabi n'ya na parang nawalan ako bigla ng boses.

"Why?" pag-uulit nito.

"Why should I?"

"Because you've seen me hoping for her presence. Akala ko absent lang. You were there. Sinabi ko sayo. Why didn't you tell me?" yung malamig na boses n'ya pa rin ang ginagamit n'ya sa akin ngayon.

Oh for Pete's sake, is that even my responsibility now?

I decided to get up para sana umalis na roon pero pinigilan n'ya ako at pinaupo ulit.

"Ano ba?"

"ANSWER ME!" sigaw nito dahilan ng pagkakaigtad ko sa kinauupuan ko.

Pinagtinginan din kami ng kaunting customer na nandito ngayon, kakaunti lang sila kase maaga pa.

"I'm sorry," he took a deep breath "just f*cking answer my questions. Will you?" bakas sa boses n'ya na nagpipigil lang ito ng galit.

"Is that even my fault that you didn't check on her? I tried to tell you. But why would I bring her up? We're not even that close."

Pretend The PreyWhere stories live. Discover now