Today is Wednesday kaya PE namin first period.
Ang aga-aga pa nga pero ang aasim na ng mga classmates ko, kaya pumwesto ako sa lugar na medyo malayo sa kanila at doon ako nagpatuyo ng pawis. Ayaw na ayaw ko sa lahat ang pakiramdam na basa ako. Ewan ko, basta sobrang nakakadiri sa pakiramdam.
Pinupunasan ko ng bimpo yung likod at leeg ko. Sabay pahid ng cooling powder tyaka nakamax pa level nitong mini fan ko. Di pa talaga enough kase sobrang init dito sa labas kahit hindi naman ako nagbilad sa araw kanina, sa sobrang init pinalipat nalang kami ni ma'am Jess sa gymnasium.
Nakakainis lang kase ngayon pa talaga naging ganito ang haring araw. Kahapon naman makulimlim ang langit pero hindi naman umulan, kampante nga si ma'am Jess na hindi raw mainit ngayon. Pero tingnan n'yo, ubos na cooling powder ko tapos umaga pa lang malapit na mangalahati battery ng mini fan ko.
Maya-maya pa ay may naramdaman akong presensya na palapit sa akin. Nakapikit ako ngayon kase baka sa sobrang init manuyo na din ang mata ko.
Nakarinig ako ng pagtikhim at may malamig na bagay ang dumampi sa pisngi ko dahilan ng pagmulat ng mga mata ko.
"Pwede makishare?" tanong ni Von sa akin. Pawis na pawis din s'ya habang pinupunasan ang sarili gamit ang isang panyo. May nilagay naman syang malamig na bottled water sa tabi ko. Hindi ko nga lang sure kung para sa akin ba yun o iniinggit n'ya lang ako kase wala akong tubig na dala ngayon.
"Naiinitan ka?" tumango s'ya sa tanong ko na parang isang basang tuta. Basang-basa kase yung buhok n'ya na parang kagagaling n'ya lang maligo. "Gusto mo makishare?" napangisi ako ng nakakaloko dahil sa itsura n'ya ngayon "Bumili ka sana para sa sarili mo. Naiinitan din ako eh." nang-inggit pa ako sa kanya gamit yung mini fan.
"Damot" bulong nito sa sarili pero narinig ko pa rin yun. Sinandya n'ya talaga sigurong iparinig sa akin.
"What did you just– Oh wait, what if paypayan mo na lang din ako? Nakukulangan pa ako sa hangin nitong fan ang init pa rin. Bagay yun sayo, ang dami kayang nagkakandarapa makausap lang ako." suggestion ko sa kanya. Napangiwi s'ya sa sinabi ko.
"tsk, minsan napapaisip ako kung ano ang tingin mo sa mundo. Hindi kase kita magets sa concept mo" imbis na mainsulto s'ya sa sinabi ko ay pangiti-ngiti lang s'ya sa akin ngayon. Sira yata to eh.
Hindi ko namalayan na may dala rin pala s'ya sa kabilang kamay n'ya na isang bottled water. Binuksan n'ya yun tapos ininom ng isang lagok lang. Ibig sabihin ba nito para sa akin itong bottled water sa tabi ko?
Pasimple kung kinuha yung tubig sa tabi ko at binuksan din iyon ng marahan, hindi ko pa kase sure kung sa akin ba talaga yun. Nakakahiya naman kung hindi pala di ba?
"Gusto mong malaman kung anong tingin ko sa mundo?" tiningnan ko s'ya sa mga mata at ganun din s'ya sa akin, ako ang bumigay sa titigan namin para magkwento, "Ang mundo ay isang napakalaking playground para sa akin." napataas ang kilay n'ya dahil sa sinabi ko "Kung magtitino ka, magpapakabait, magpapauto at magpapagamit talo ka." lumingon s'ya sa malayo dahil sa sinabi ko "May dalawang uri ng mga tao sa mundo. The superior and..." tumingin ulit ako sa kinaroroonan n'ya, pero nakatingin na rin pala s'ya sa akin ngayon "...the preys."
"Superior and Preys? and you consider me as a prey?" natawa s'ya sa sariling sinabi.
Nalilito rin ako, but my instinct cannot be mistaken. He's definitely a prey.
"Basta ayaw ko lang sa mga taong kinoconsider ko as a prey, nakakainis kase presensya nila. Tulad mo, kapag malapit ka naiinis ako" pang-iinis ko sa kanya, pero taliwas dun ang nakikita ko. Nakangiti lang s'ya na parang naaaliw sa mga sinabi ko.
"Bakit mo ako ginawang seat mate kung naiinis ka lang din naman sa akin? Isn't it bunk?"
"Yun na nga eh, sobrang adik na ako at nasanay na sa pagkainis sa mga tulad mo" na hindi ko na namamalayan na gusto ko na pala yung pakiramdam na mainis dahil say– No! Erase! Erase! Hindi pwede!
YOU ARE READING
Pretend The Prey
AçãoAcaynie Alonzano, the Queen also known as the notorious campus bully crosses paths with the boy who has the potential to challenge her view of the world or love itself. Dive in on a roller coaster of emotions with Vanreeve Louie Fernandez as he guid...