01

60 5 2
                                    

Please, kindly ignore typo errors and grammatical errors. I will edit this if I have a time. I am currently writing another story. Enjoy reading!

A/N: Do not judge! I know it's cringe. If you want to skip, please skip:)

CHLOE

Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ko Ang plate ko. Ngayon, wala na 'kong gagawin. Grabe ang preassure! No'ng nakaraang araw sa amin binigay ang project na 'to tapos ngayon agad ang deadline.


I sat back at my seat and let out a heavy sigh. I smiled widely as I stare at my work. Shit, parang deserve ko ng award.

"Laki ng ngiti natin, ah." Sabi ni Shane.

We're here at the milktea shop near in our school to eat lunch together. Ito lang ang quality time naming magkakaibigan since hindi ko naman sila blockmates at iba-iba rin ang mga course namin.

"Siyempre. Natapos na ang plates ko." Proud na sabi ko sa kaniya.

Hazel looked at my plate. Oo, project. Hindi literal na plato.

"Hindi naman plate 'yan. Letters lang 'yan, oh." Sabi niya at tinuro ang gawa ko. Inirapan ko siya dahil doon.

"Hoy! Hindi 'yan 'letters lang'. Sinakripisyo ko tulog ko para matapos 'to. Imagine, sinukat ko pa 'yan. 1 cm per letter, 'pag mali ang sukat, ekis kay Prof." I said.

"Sarap mag-Architect, 'no? Buti 'di ko 'yan pinili." Sabi ni Hazel sa 'kin at binigyan ako ng sarcastic smile.

Madali lang naman mag-Architect. Madaling iyakan. Sleepless nights, prof's standard tapos wala ka pang oras para mag-breakdown dahil sa dami ng gagawin mo.

"E, ikaw? Kamusta ka naman sa track na pinili mo?" Tanong ko sa kaniya.

These past few weeks, wala masyadong nak-kwento sa 'min si Hazel about sa acads niya, kumpara no'ng senior high pa lang kami na puro siya reklamo.

Ang hirap sa ABM. Bakit gano'n 'yung Math ng ABM? Gusto ko nang lumipat ng strand. Ayoko na rito. Gano'n.

"You know, walang madaling course. But I am happy for what I've chose." She said. "Lahat naman ng courses mayroong risk at circumstances. Mahihirapan ka talaga, kaya make sure na mahal mo 'yung ginagawa mo para wala kang pagsisihan at worth it lahat."

"Sus, sabihin mo masaya ka talaga sa course mo kasi tumitikim kayo ng alak do'n." Sabi ni Lueese sa kaniya.

Hotel and Restaurant Management ang course ni Hazel at parte ng pag-aaral nila ang pag i-identify ng lasa ng bawat pagkain o inumin.

"Pangit nga ng lasa, e." Sabi niya at umarteng nasusuka. Kunyari ka pa. Gusto niya rin naman 'yon. Si walwalera 'yan!

"Mikayla, the very introvert lady. Kaya pa ba, Ms. Psychologist?" Hazel sarcastically asked. Hinagod niya ang likod ni Mikayla at sumandal sa balikat nito.

"Walang susuko, guys. Gusto kong tulungan ang mga kagaya niyo." Sabi niya sa 'min at ngumiti nang pagkaloko-loko.

"Ulol. Mas baliw ka pa sa 'min, 'no. Kita ko recent search list mo, puro 'Taehyung'." Sabi naman ni Shane. "Baliw kay Kim Tae-hyung."

"Asawa ko 'yon. I was just checking my husband out, 'no." Sabi niya sa 'min.

Tinawanan lang namin siya. Yeah, Mikayla, biggest simp for Taehyung. Puro Kim Taehyung, mula lockscreen, wallpaper, Facebook profile, featured at naka-rating pa sa point na gumagawa siya ng Kim Taehyung fan fiction sa Wattpad.

Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon