09

23 4 0
                                        

A/N: edited version 'to, guys, wala palang naka-sulat na 'flashback', tanga talaga hays

HAZEL

A month before.

"Galit ba siya, love?"

"Hindi ka kakagatin niyan!" I assured him, laughing to teased him.

May nakita kasi akong pusa kanina sa tapat ng room. Maliit pa lang siya at hindi pa marunong tumakbo o tumalon nang malakas.

"Kahit pa,"

"Hindi yan galit kasi ang dagat ay parang araw, maganda ako."

"Ano?" Tanong niya sa 'kin. Nakakunot ang noo niya at takang-taka.

I giggled. Sinasadya ko talagang gaguhin siya dahil wala akong magawa, eh. Hindi rin naman siya nago-open ng topic.

"Sabi ko, 'yung ano 'di ba sabi kwenta si walang tao tapos yon kuya tumayo ng umiyak daw saging bato sa dagat..."

I saw his confused face. I laughed out loud dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Kung mahal niya ako, dapat naiintindihan niya.

"I-chat mo na lang, love..."

Kahit 'di niya sabihin, alam kong ubos na ang pasensya niya sa akin. Napamasahe siya sa sentido niya at pilit na ngumiti sa akin.

"Available ka mamayang gabi?" I asked him. Tumingin ako sa mga mata niya at malandi siyang nginitian.

"Available ako, bakit?" He asked. Ginantihan ang mga tingin na ibinibigay ko sa kaniya.

"Date tayo," panga-aya ko. "Ayaw mo ba?" Tanong ko sa kaniya. "Bakit? May iba na? Ano? Sabi mo sa 'kin! Alam kong ayaw mo na. Masaya ba kayo ng babae mo?!"

Pikon na pikon na siya pero pinipigilan niya lang ang sarili niyang sakalin ako kasi mahal na mahal niya 'ko. Napamasahe lang siya sa sentido niya.

"Mal-late ka na. Pumasok ka na nga," Sabi niya sa 'kin. Hinatid niya 'ko hanggang sa harapan ng building namin. I said good bye to him and gave him a kiss on cheeks.

"Hala! May pa-gano'n?" Sabi ng isang blockmate ko, si Ryzzie. Nakatayo siya at kumakain ng turon habang naka-tingin sa amin.

I was about to enter the room when we heard a scream coming from the abandoned bathroom. Nagsalubong ang tingin namin ni Ryzzie, pareho ng iniisip.

Ako, siya at isa pa naming kaibigan ay pumunta sa abandonadong palikurang 'yon at do'n, nakita ko si Brey. Wala nang ulo, kanang kamay at wala nang buhay.

Lahat kami'y hindi makapag-salita. Agad agad akong nag-message sa group chat namin.

jannhazel:
we found brey malapit sa dating library ng school

lueesesantos:
yung abandoned?

jannhazel:
yes and i can't explain this i can't describe the situation i'm seeing right now

mikaylaaa:
Ano'ng nangyari? Kamusta na si Brey? Bakit siya nando'n?

shanelle:
tell us what happened hazel

jannhazel:
pumunta kayo rito please

Sinamahan ni Ryzzie ang isa naming kasama dahil bigla itong hinimatay nang makita ang sitwasyon ni Brey. Maya-maya pa, dumating na ang mga kaibigan ko. Lahat sila ay nagulat sa mga nangyari.

Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon