Disclaimer: The following scenario may triggered Jan Haziel Erodias dahil nangyari sa kaniya 'to. Lolz, I love you!
***
"Mamaya na kasi kayo kumuha!" Sigaw ni Caleb na nab-bwisit na sa mga lalaki.
Kanina pa siya nagi-ihaw ng barbeque pero kuha nang kuha 'tong sina Jeric at Jarenn. Gutom na rin kasi kami. Kanina pa siya nag-iihaw, laging sunog.
"Stress 'yan?" Jeric teased him, laughing along with Jarenn. "Yie, stressed siya. Baka mag-watata 'yan sa 'tin si bebe boy, Caleb."
"Tang ina mo, Jeric! 'Wag kang kakain." Sigaw ni Caleb kay Jeric nang tumakbo ito. Tumatawa-tawa pa talaga.
"Hoy, maawa naman kasi kayo sa baby ko." Mikayla said before niya pinunasan ang pawis ni Caleb.
Nandito kami ngayon sa resort. Nagch-chill kami dahil kaka-recognition lang namin. Sinama ko rin si Renzo dahil nagmamaktol si Jeric kapag hindi raw kasama 'to.
Everything's getting fine. We continue to live for ourselves and for each other. Jarenn explained everything to us na rin at napatunayang nasa gym siya no'ng nawala si Chris, pero sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa pagkamatay ni Shane.
"Laro tayo!" pag-aaya ni Jarenn bago kumuha ng bote ng alak. Hindi ko alam kung anong klaseng alak 'yon dahil pinunit nila yung label at wala naman akong alam sa mga ganito.
"Tara!" sagot ni Jeric. "Who's most likely tayo." he added before we formed into a circle.
"Who's most likely to be barat!" Lueese laughed and poured some to Jeric's shot glass.
He immediately stood up. "Hindi ako barat, wala lang akong pera!" reklamo niya pero wala na rin siyang nagawa dahil pinagbabantaan ni Lueese ang buhay niya.
Ininom niya iyon. Napatawa kami nang makita namin ang reaksyon niya. "Puta, ang pait!"
"Tiisin mo!" pangha-hype ni Caleb na ngayon ay namumula na sa katatawa.
"Okay," Jeric fixed his posture. "Who's most likely to become a billionaire...'
Wala nang nagawa si Renzo nang magsalin si Jarenn sa baso niya. Pinisil niya pa ang kamay ko na para bang nanghihingi ng tulong pero nginitian ko lang siya. Wala na siyang nagawa kun'di inumin iyon.
"Who's most likely to be, hindi naliligo?" Hazel speaked. She giggled on our reaction nang magsalin kami ng alak sa baso ni Jeric.
"Uy, bakit ako? Si Caleb 'yon!" reklamo niya pa pero pinilit siya ni Lueese kaya ininom niya na lang.
"Bobo!" natatawang reklamo ni Caleb. "Idadamay mo pa ako sa kadamakan mo, Michael!"
Mikayla speaked next. "Who's most likely to be iyakin?"
Agad na sinalinan ni Caleb ang baso ni Hazel, Jeric at pati yung sa akin.
Rinig ko kaagad ang reklamo ni Jeric. "Tangina, ako na naman? Pare, hindi ako iyakin. Takot lang ako kay Lueese, pero 'di ako iyakin!"
"Huwag ka nang magpaliwanag!" sagot ni Hazel sa kaniya bago tumawa.
Nang inumin ko iyon agad akong kumuha ng lime. Pinunasan na rin ni Renzo ang alak na lumalagpas sa baso na napunta sa gilid ng bibig ko.
"Be careful," he reminded me.
Sa huli, si Jeric ang argabyado. Siya ang pinaka-unang na-knock out kaya inaasar siya ng mga kaibigan namin kahit wala na siyang maintindihan.
"Si Jeric Michael, mahina sa inuman!" natatawang sambit ng lasing na si Caleb bago hinampas ang braso ng kaibigan.
Lueese chuckled. "Tulungan mo ako Caleb. Ipasok na natin 'to roon sa kuwarto. Baka dito pa ito sumuka, eh!"
BINABASA MO ANG
Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)
Mystery / ThrillerAt University of Makiling, a quiet school quickly turns into a living nightmare. One by one, students are found brutally murdered, with no obvious connection between the victims. The unsettling part? The killer is someone close to them - a friend, a...
