20

24 4 0
                                        

LUEESE

"Class dismiss,"

Napabuntong hininga ako at inayos ang mga gamit ko. Gusto ko nang umuwi at magpahinga. Pakiramdam ko hindi na mage-gain ang lakas na nawala sa akin

Sinusubukan kong maging okay para sa kanila. Kailangan, e. Tsaka gusto ko ring pagbutihin ang pag-aaral ko, kahit 'yon lang ang magawa ko para sa sarili ko.

Hindi pumasok si Hazel ngayon dahil nilalagnat siya. Sina Chloe at Mikayla, walang pasok. Si Caleb at Jarenn naman ay ayaw pumasok. Si Jeric naman, mamayang 6:30 PM pa ang uwi. Hihintayin ko siya sa waiting shed. Nasa kaniya kasi ang susi ng condo, tapos pupunta pa kami kina Papa saglit—may susunduin kami.

Lumabas ako ng room at dumiretso sa waiting shed malapit sa gate. Nilapag ko ang gamit ko sa tabi ko at pinagmasdan ang mga estudyanteng lumalabas. Halos puro block mates ko.

"Hello, Kuya Denver!" I greeted him and waved. Siya ang guard namin ngayon dahil nabalitaan ko, nasa Manila raw 'yung kapalitan niya. Best friend ko na 'yan si Kuya Denver, eh! Same humor kami.

"Hello, hija, kamusta?" he asked me. Pinakitaan niya ako ng masayang ngiti niya na dahilan para mapa-ngiti rin ako.

Sobrang pure ni Kuya Denver. Minsan nga lalapitan ako niyan at bibigyan ng biscuit. Minsan, naaawa ako sa kaniya dahil walang kumakausap sa kaniya.

Despite his age, you could still see his handsome face. Matangkad din si Kuya Denver—siguro same height sila ni Chris. Nasa around 50 na siya, pero malakas pa rin.

"Maka-'kamusta' ka naman, Kuya, parang hindi ako tumatambay rito araw-araw!" pang-aasar ko bago inayos ang buhok kong nakaharang sa aking mukha.

"Sorry," he said at give me a 'peace' sign. Naglakad si Kuya Denver papunta sa upuan niya.

Ika-ika siya mag-lakad dahil nasabi niya sa akin na naaksidente raw siya noon, kaya medyo mahina na ang right leg niya. Nakakaawa.

Nag-guilty ako no'ng naalala ko kung pa'no namin siya inisahan para mag-imbestiga. Wala siyang kaalam-alam na naisahan namin siya.

"Kuya, ilan anak mo?" I asked him out of curiosity. Tsaka para naman hindi boring. Matagal pa naman ang uwian nina Jeric kaya daldalin ko muna 'to.

"Dalawa. 'Yung panganay, ko graduate na; Engineer na ngayon. 'Yung bunso ko naman na babae, pumanaw na. No'ng 7 years old pa lang siya." He said.

"I'm sorry, Kuya," I said. Kawawa naman si Kuya. Widow na rin siya tapos isa na lang pala anak niya.

"Denver, kain ka muna," Lumapit si Ate Mae sa kaniya, 'yung tindera sa cafeteria namin at inabutan si Kuya Denver ng ginataang gulay.

"Salamat, Mae," Sabi ni Kuya Denver at tinanggap ang pagkaing inaalok ni Ate Mae sa kaniya. Nilagay niya 'yon sa table na nasa gilid niya. Sa ilalim ng table kasi ay ang mga boxes na lagayan ng susi ng classrooms. Ang gate at gym, iisa ng susi.

"Congrats, regular ka na!" Ate Mae greeted him with a smile on her face. Pumalakpak pa ito na mukhang proud.

"Totoo po?" I asked them. Maganda kung si Kuya Denver ang regular guard dito. Mabait kasi siya tapos marami ring kasundong estudyante. Parang tatay na talaga namin siya.

"Oo, e 'di ba nga namatay 'yung dating guard? Tapos 'yung isa, irregular daw. Oh, ayon. Pinalit ako, guard na 'ko ng PM shift. Kapalitan ni George." He smiled widely at nakilag-apir pa sa akin.

"Ang galing, Lueese, 'no? Palagi ko na siyang makikita," Maharot na sabi ni Ate Mae at saka umastang kinikilig. Ang cute naman nila.

Nakipag-chikahan pa 'ko sa kanila bago lumabas si Jeric. Nagpaalam na rin kami sa kanila noong paalis na kami.

Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon