tw: blood, violence, language
CHLOE
"Uuwi ako bukas. Kailangan ko lang bantayan si Jarenn. Hindi siya okay ngayon, eh. Gets mo naman siguro, mahal?" malambing na pagpapaliwanag ni Jeric kay Lueese.
"Kailan ako kumontra? Puntahan mo na si Jarenn, ngayon na." utos naman ni Lueese sa kaniya na nag-aayos ng buhok.
Pinatakan ni Jeric ng halik sa labi ang kasintahan bago ito lumabas sa pintuan ng condominium ni Hazel.
I cleared my throat. "Wala pa rin bang balita kay Caleb?" tanong ko bago kumagat sa mansanas na hawak ko. Nags-stress eating na naman kasi ako.
Hazel breathe deeply before facing me. She's holding her phone. "Mayroon daw moderate concussion. Conscious na si Caleb, pero kailangan niyang mag-stay sa hospital nang ilang araw." she explained.
"Sobrang lala ba talaga?" Tanong ko ulit.
"Matinding bugbog ang ginawa ni Jarenn sa kaniya. Pero noong tinanong daw ng pulis si Caleb, hindi niya sinabing si Jarenn ang gumawa nun." Hazel explained.
"Sinisisi niyo ba si Jarenn?" tanong ni Lueese habang nakatingin sa bintana. "Ako, hindi ko sinisisi si Jarenn sa pagkamatay ni Shane, pero iniisip ko na may alam siya na hindi natin alam." paglilinaw niya.
I know Jarenn's innocent. Hindi naman siya magre-react nang ganoon kung guilty siya. He's a bad liar at alam namin iyon. Alam ni Caleb kapag nagsisinungaling si Jarenn, bakit pinu-push niya pa rin? Something's off, pero hindi ko matukoy kung ano iyon.
Sobrang naapektuhan si Jarenn sa mga nangyari, to the point na halos mapatay niya na si Caleb. They're best friends, and I know something isn't right. Hindi naman impulsive si Jarenn, ngayon lang dahil sa hindi ko matukoy na dahilan.
My thoughts were interrupted when I heard my phone buzzed. Binuksan ko iyon at binasa anh message sa Instagram.
l.rxnz: Are you akay? I've spoken with Caleb already. Kamusta ang kalagayan mo?
chleslim: ok lang aq wala bang masamang nangyari na iba kay caleb
l.rxnz:.I visited him an hour ago. The Doctor said na malaki ang posibilidad na magkaroon ng memory loss si Caleb pero hindi malala.
I bit my lower lip. Naaawa ako kay Caleb, pero at the same time naaawa rin ako kay Jarenn. May part sa akin na gustong malaman kung ano ba ang dahilan nila para kating-kating ipahamak ang isa't isa.
chleslim: pano mo nalaman?
l.rxnz: That they almost killed each other?
l.rxnz: I have CCTV copy.
Natigilan ako sa pagtipa nang mayroon akong naalala. Bumagsak ang aking telepono sa sahig kasabay ng pagbagsak ng aking katawan. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat.
"P-patay na si Shane?" naluluhang tanong ko sa kanila.
Napasabunot ako sa buhok ko. Nararamdaman ko na naman ang panginginig at pagsikip ng dibdib ko
Agad tumayo sina Hazel at Lueese at inalalayan akong tumayo. Pero wala na akong pakelaam—na hinigop na ng impormasiyong iyon lahat ng natitirang lakas sa akin.
BINABASA MO ANG
Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)
Mystery / ThrillerAt University of Makiling, a quiet school quickly turns into a living nightmare. One by one, students are found brutally murdered, with no obvious connection between the victims. The unsettling part? The killer is someone close to them - a friend, a...
