12

24 4 0
                                        

A/N: Yie, edited version. Malayo pa tayo sa exciting part, dahil nagsisimula pa lang. */evil laugh

CHLOE

After class, I immediately walk on my way to our meeting place—sa malaking puno sa tabi ng buiding nina Mikayla. Nag-chat kasi sa group chat kanina si Lueese.

Sinama ni Shane si Jarenn, si Lueese ay kasama si Jeric, Mikayla ay kasama ni Caleb at kami ni Hazel ay magkasama.

Mabuti't pumapasok na siya sa school.

Progress 'yon na kahit papaano lumalabas na siya ng bahay nila at sumasama na sa amin. Akala ko tuluyan na siyang mawawala sa sarili, e. Kung ako ang nasa kalagayan niya, I would die.

"Sino pa'ng hinihintay natin?" Shane asked. Binilang niya pa kami isa-isa para tingnan kung mayroon pang kulang. Napakunot ang noo niya nang malamang sakto lang naman kami—maliban kay Chris.

"Let's just wait for Kyra," sabi ni Lueese habang nags-scroll sa phone.

Close na pala sila ngayon. Hindi ko alam kung friends na ba kami nina Kyra, pero hindi na kami nag-aaway. Minsan nakikita ko ang concern niya para sa amin, pero iniisip ko na baka naaawa lang siya.

Na-distract ang thoughts ko nang makita ko ang matalim na titig ni Caleb kay Jarenn na parang gusto niya itong sapakin.

"Ano na namang problema mo, Caleb?" tanong ni Jarenn at seryosong tumitig sa kaibigan.

"Caleb, huwag kang makipag-away." Mikayla warned when she noticed the intense look of his boyfriend to our friend. She held his hands to calm him down. Hinahaplos niya pa ang likod pero gumalaw si Caleb para tanggalin iyon kaya nagtaka siya.

Hindi ako tanga, alam kong may problema siya ngayon at alam kong may kinalaman si Jarenn. Baka may away na naman sila. Laging namang magka-away 'yang sina sila at si Jeric, pero hindi seryoso. Iba ngayon, e, may something. Parang nakakatakot.

"Wala, hintayin na lang natin si Kyra." He answered and looked away. Kinuyom niya ang kamao niya na parang nagpipigil ng galit. Hindi ko maintindihan. Ano ba ang nangyari?

A moment of silence was filled with us. Nakatulala si Caleb ngayon, mukhang galit. Tumingin ulit ito kay Jarenn nang umiigting ang panga sa galit. Sinubukan niyang kumalma at hinawakan ang kamay ni Mikayla na naka-patong sa hita niya.

"Seriously, bro, what the fuck is your problem?!" galit ang tono ni Jarenn na tinanong si Caleb. Tumayo ito at pagalit na idinuro si Caleb.

"Love," hinawakan ni Shane ang kamay nito at pilit hinihila pababa para paupuin pero sadyang malakas si Jarenn.

"What is your problem?!" Caleb emphasize his words. Tumayo rin ito at dinuro si Jarenn.

"What the fuck is wrong with you?! Bakit ganiyan ka?" Jarenn asked. "Nananahimik ako rito tapos ganiyan ia-asta mo sa 'kin, Caleb!"

"Tama na, ano ba?!" I pushed them a little to create a distance between them. Inawat ko na silang dalawa bago pa sila mag-sabog dito sa galit.

"Ano ba'ng meron? Binibigla niyo sarili niyo sa bugso ng emosyon niyo, e. Ano ba?" Jeric asked tem. Lumapit ito sa kanila at humarap kay Caleb. "Ano na naman ba ang kinagagalit mo?"

"Let's ask Jarenn. Nasa'n ka no'ng namatay si Chris?" Caleb opened the topic. Rinig sa boses niya ang galit, lungkot at pagkasawi. His dark eyes were looking deadly at Jarenn like he was about to punch him.

Nakita ko kung pa'no dumaan ang gulat sa mukha ni Hazel nang mabanggit ang pangalan ni Chris. Her wounds are still fresh, alam ko 'yon. No one would recover from that loss. Mahigpit niyang kinuyom ang kamay niyang nakapatong sa hita niya dahil para malukot ang white tennis skirt na suot niya.

Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon