University of Makiling SSLG Page:
Hindi ibig-sabihin ay college na, wala nang fun! Mga schoolmates, we heard your request. Since this is our Valentine's Day celebration, we prepare booths, surprises and the highly requested thing this valetine, a color coding shirt!
Inisa-isa ko ang mga kulay ng damit. Hindi ko alam na may pa-ganito. Wala kasi ako noong meeting namin dahil absent ako no'n! Siguro pakana na naman 'to ni Kyra. Si Kyra lang naman ang mahilig sa mga ganito, e.
Si Kyra at Caleb ang may hawak ng page dahil iyon ang kanilang role. Si Renzo, isa rin sa nagha-handle pero for captions lang 'ata.
Red for In a Relationship
Siguro sa buong buhay ko, hindi pa 'ko nakapag-suot ng red sa color coding ng school tuwing Valentine's Day. Wala pa naman kasi akong naging boyfriend, tapos wala ring naging ka-talking stage.
Blue - In-love pa sa ex
Ito ang isa sa 'never worn' color. Bukod sa wala akong ex, ayaw ko ng bumabalik. Well, si Caleb naranasan 'yon kay Aya noon tsaka si Hazel naranasan sa first boyfriend niya. Pakiramdam ko lang walang nagwo-work the second time around.
Yellow - No label
Green - Talking Stage
Pink - Single
Purple - Backburner
Wala akong choice. Parang kailangan ko talagang mag-yellow. Talking stage ba kami? Hindi ko alam! Pwede akong mag-pink, pero parang hindi ako proud na may mahal ako no'n. Hindi naman ako backburner dahil second priority niya ako. First, si God.
Okay, magye-yellow na talaga ako. Chat ko siya para naman pareho kami ng kulay.
For sure ang mga kaibigan ko, magre-red, maliban kina Hazel at Jarenn, pero baka mag-red pa rin sila. Lalo na si Jarenn, dahil mahal na mahal na mahal no'n si Shane.
Binuksan ko ang Messenger at mabilis nahanap ang pangalan ni Renzo.
Chloe Lim: yellow tauh bukas, beh? :p
Pagka-send ko, wala pang 0.2 seconds nagta-typing na agad siya. Wow! Ang ibig-sabihin niyan ay hindi siya nagp-pray at gising pa siya.
Lorenzo Alvarez: Whatever you want.
Halos umabot ng langit ang ngiti ko dahil doon. Naka-couple color kami bukas. Hindi nga lang red, at naiintindihan kong nire-respeto niya ang mga pangyayari kaya ayaw niya munang manligaw.
Chloe Lim: kubeta ka ba?
May naiisip akong joke. Buti at mabilis mag-function ang utak ko. Kasi kung hindi, walang sense 'tong convo namin. Hindi naman sa wala siyang sense kausap, sadyang wala lang siyang kanal humor.
Lorenzo Alvarez: What? Are you sick?
Chloe Lim: kasi ako ang sabon na paulit ulit na nahuhulog sa 'yo owshi, minecraft
Lorenzo Alvarez: Haha
Oh, 'di ba! Napatawa ko siya. Ang nonchalant nga lang ng tawa niya. Genuine ba 'yung tawa niya o sarcastic.
Lorenzo Alvarez: No, I'm not a toilet bowl.
Chloe Lim: bkit ka ba nangingialam sa pick-up line ko?
Lorenzo Alvarez: You need to rest, woman.
Chloe Lim: bakit haha reply mo sa pick up line ko bakit hindi HAHAHAHSHAHHAHAHAHSHAHAHWHHAHAHAHAHAHA?
Lorenzo Alvarez: There's no difference.
BINABASA MO ANG
Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)
Mystery / ThrillerAt University of Makiling, a quiet school quickly turns into a living nightmare. One by one, students are found brutally murdered, with no obvious connection between the victims. The unsettling part? The killer is someone close to them - a friend, a...
