RENZO
Four weeks nang nawawala si Celes. Almost a month. We tried to find her. Isang pala-isipan kung pa'no siya nawala. Sinubukan ko na lahat, I called her dad na nasa China if she flew there, I went to her condo and searched it, I go to school everyday hoping she will attend, called her, message her pero palagi rin akong mabibigo. Hindi na 'ko natutulog at kumakain dahil lagi akong walang gana. Gano'n din ang mga kaibigan niya.
Nasa condo kami ngayon. Sinamahan nila ako dahil baka raw may gawin akong kakaiba sabi ni Caleb. Wala naman akong gagawin kun'di matulog.
"Renz, sasama ka ba?" Tanong sa akin ni Jarenn na naggugupit ng kuko sa kamay ngayon. Ginagat niya pa ito dahil ayaw magupit. Kadiri.
"Saan?" I asked in monotone. Wala na 'kong lakas makipag-usap. Medyo matamlay na rin ako, namumutla at laging mahihilo.
"Nag-aaya si Jeric, bro. Tsaka kailangan mo ring magpahinga kahit ngayon lang." Sabi niya habang hindi pa rin nakatingin sa akin.
"Ayoko," sagot ko sa kaniya. Ayokong kumausap ng iba o kahit sumama. Ayaw ko.
Caleb sighed deeply. "Renz, kng 'yan ang gusto mo, sige. Pero hindi sa lahat ng oras kailangan mong i-isolate ang sarili mo, okay?"
Ngimiti ako nang tipid. Sa dulo, napapayag din nila ako. Wala naman akong magawa. Mapilit si Jarenn at malakas mang-guilt trip si Caleb.
"Shot muna, pare," Sabi ni Caleb at inabot sa 'kin ang shot glass na may lamang alak. I don't usually drink alcohol but I want to forgot my problem at least for now. Kahit ngayon lang.
"Wala pa ring update?" I asked Caleb. Chief Police ang Tito niya na isa sa nagha-handle ng kaso ni Celes. Siya rin ang nag-handle ng kaso ni Chris noon.
Umiling siya, as expected. "Sorry, Pres. Wala talaga, eh. Si Tito na lang ang kumikilos dahil ayaw na ng iba. Kung matagalan, puwedeng isarado ang kaso."
Ngumisi si Jeric. "Ano pa ba ang aasahan mo sa mga hayop na 'yan? Nagu-ubusan lahi na nga lang 'ata tayo, eh?" Sarkastiko niyang sabi bago tunggain ang laman ng shot glass.
Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko. Ang hirap din magpanggap na ayos lang ang lahat kahit hindi naman.
"Hindi pagiging mahina ang paglalabas ng emotion at nararamdaman," tinapik ni Jeric ang likod ko. "Magiging okay din ang lahat."
"Sa tiyaga mo, boss. Mahahanap mo 'yang baby ko. Promise, babalik rin iyan." Caleb speaks, patting my back.
Yumuko ako. Nahihiya ako dahil mukha akong mahina. Nahihiya ako kasi ang tingin nila sa akin ay malakas. Lumalakas lang naman ako kapag nariyan siya.
Sumagot naman si Jarenn. "Hindi iyon papabayaan ni Shanelle, pare," tumingin siya sa akin. "Puwede kang magpanggap na okay ka, pero alam kong nasasaktan ka."
I hoped so. I can't imagine myself living without her. I felt so tired, but I cannot give up. Not yet. I still wanna marry her.
Ever since she lost, hindi na 'ko nakikipag-communicate masyado. I barely talk to my friends, family and classmates. Kumbaga, Celes' my sunshine, my world's completely dark without her.
"Dito raw matutulog 'yung girls. Dito na lang din kayo?" Caleb asked us. "Dito ako mga, bro. Samahan ko si Mikayla."
"Uwi ako," I said. Gusto kong magmuni-muni. Umuwi na rin ako no'ng bandang 10:00 PM, nagpaalam na 'ko sa kanila. I am just tipsy so I still managed to drive.
Pumunta ako sa tabing dagat, nag-iisip ng mga bagay-bagay. Pinag-iisipan ko kung tatalon ba 'ko pero mukha naman akong tanga no'n.
"I missed you, love." I whispered.
BINABASA MO ANG
Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)
Mystery / ThrillerAt University of Makiling, a quiet school quickly turns into a living nightmare. One by one, students are found brutally murdered, with no obvious connection between the victims. The unsettling part? The killer is someone close to them - a friend, a...
