"Celes,"
She stared at me. Her eyes were filled with tears. Ang kamay at mukha niya ay puro galos. May mga pasa, dugo, at sugat na halatang bago pa lang. Ang damit niya at marumi at wala siyang suot na tsinelas.
Niyakap ko siya nang mahigpit. I don't wanna let her go, not ever. Napapikit ako dahil sa sayang nararamdaman dahil nakita ko na siya, pero nakakalungkot na makita siyang ganito.
"Renzo," she called my name and cried on my chest. Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ang noo. Mas nilakasan niya pa ang iyak na parang ang tagal niya iyong inipon. "You're here."
Sana hindi ito panaginip. Sana totoong nakita ko na talaga siya. Kasi kapag nagising akong wala na ulit siya, baka hindi ko kayanin.
"I thought I'd never see you again." I whispered.
I couldn't help but cry. I was happy—very happy to see her again. Parang may kulang sa akin na napuno.
Nang kumalma siya, inaya ko siyang pumasok sa loob ng isang coffee shop kung nasaan ako kanina.
Pina-upo ko siya at inorderan ng pagkain at kape. Her usual order. Caramel Macchiato and Lambingan. Parang hindi siya pinakain nang matagal. Nanginginig siya, hindi ko alam kung sa takot o sa gutom.
"After this, pupunta tayo sa mall to buy you some clothes para maka-deretso agad tayo sa hospital." I speak, fixing her hair.
Tumango siya sa akin. "Okay. Kahit ano'ng gusto mo, huwag mo lang akong iwan mag-isa." she answered, trembling.
Umiling ako. "What happened to you, hmm?" I asked her with a gentle voice. "Tell me everything, love, I'll listen."
I want to know what happened. Sobra ba siyang nag-suffer? Bakit ang dami niyang sugat at pasa? Physically, she is not okay. Looking at her expression, she is not okay. Anong nangyari sa kaniya sa loob ng isang buwan?
"It just— I've suffered a lot, mahal," she said as her voice broke. She started crying again. Sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko at hinagod ang likod niya.
It's so painful to hear her cry. Parang dinu-durog ang puso ko. "I'm sorry. I'm here, mahal. Tell me everything. Nandito ako. Makikinig ako, hmm?"
CHLOE
A month ago.
Nagpaalam ako kay Renzo na magb-bathroom lang ako dahil naiihi na 'ko. Pagtapos ko, naghugas ako ng kamay at naglagay ng sanitizer.
The next moment, biglang namatay lahat ng ilaw. Tumingin ako sa taas at tiningnan kung ano ang nangyayari. Pundido ba? It was blinking too fast. Masakit sa mata.
"Brown out?" Tanong ko sa sarili ko nang tuluyan nang namatay ang ilaw.
Naramdaman ko na lang na may biglang humampas sa ulo ko dahilan para tumumba ako't nawalan ng malay.
Paggising ko, nandito na 'ko sa hindi pamilyar na lugar. Mukhang basement ito ng abandonadong bahay dahil walang kahit ano mang gamit ang narito.
"Gising ka na pala, Lim,"
The figure wears a smooth white mask that looks simple at first, but the more you look, the scarier it gets. The eyes are just curved slits, making it seem like it's laughing, but red streaks run down from them like blood. The mouth is stretched into a wide grin, showing darkened teeth, as if it’s frozen in a creepy smile. In the dim light, the mask looks ghostly, standing out in the darkness. There is something cold and heavy in the air, a silent feeling that something bad is about to happen.
BINABASA MO ANG
Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)
Mystery / ThrillerAt University of Makiling, a quiet school quickly turns into a living nightmare. One by one, students are found brutally murdered, with no obvious connection between the victims. The unsettling part? The killer is someone close to them - a friend, a...
