04

18 4 0
                                    

Disclaimer: I wasn't sure if this is what it looks like inside the investigation room, pero based on what I've watched (K-drama), ganito po siya. Please don't forget that THIS IS JUST A FICTION.

PROSECUTRIX

I looked at the names of possible suspects. Puro kabataan. Hindi ko alam kung sino ba rito ang may potential na maging mamamatay tao.

Victim: Aria Elaine Hernandez
Age: 19

Possible Suspects:

Name: Jannika Hazel C. Laxamana
Age: 19


Name: Mikayla Maxine M. Morales
Age: 19


Name: Shanelle Chrizyhlle B. Cruz
Age: 19


Name: Lueese Keziah S. Santos
Age: 18


Name: Chloe Celestia F. Lim
Age: 18


Name: Kyra Vanessa J. Viluan
Age: 19


Name: Franchescka Camille J. Lora
Age: 18


Name: Lorenzo Arciel L. Alvarez
Age: 19


Name: Caleb Yoriko D. Enrico
Age: 19


***


"Malapit kayo sa lumang palikuran, Miss Laxamana. Wala ba kayong narinig na sigaw o naamoy? At anong oras kang nakarating nang school?"


"1:30 po nasa classroom na po ako dahil 2:00 PM ang start ng klase namin sa hapon. That time po, naka-upo lang ako sa armchair ko, talking to my boyfriend through chat."


"Umalingasaw po ang amoy ng bangkay, pero hindi po namin 'yon pinansin dahil baka kung anong patay na hayop lang 'yon kaya hindi po namin pinuntahan."


***


"Nasaan ka between 1:30 PM to 2:30 PM, Miss Morales?"


"Nasa gym po ako. Pinanonood ko ang mga naglalaro ng Volleyball pampalipas-oras dahil 2:00 PM pa ang simula ng klase namin. During 2:00 PM to 2:30 PM, nasa Science Laboratory po kami."


"Any witness na nasa gym ka during that time?"


"My boyfriend. Kasama ko po si Caleb Enrico na nanonood sa gym no'ng mga oras na 'yon."


"How are you going to explain these evidences?"


"Inaamin ko pong akin 'yan. The reason kung bakit may basag na bote akong dala sa bathroom ay dahil naapakan ko po 'yan, and that explains 'yung dugo na nasa tissue. Naka-apak po ako ng bote no'ng aksidenteng may naka-hulog ng baso sa gym habang may naglalaro ng Volleyball, I tried to help at ayan ang nangyari. 'Yung handkerchief ko po ay ang pinangtali ko sa sugat ko. If you have the CCTV footage, makikita po ro'n ang pagpasok ko sa bathroom nang ika-ika maglakad. Noong nalaman kong time na, nataranta po ako at naiwan ang mga gamit ko sa bathroom."

Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon