11

16 3 0
                                    

Disclaimer: This is a WORK OF FICTION. The following scenarios did not happened in real life. It was all based on author's imagination.

tw: language



LUEESE


To: Hazel
hinding-hindi ako mawawala

Naka-upo ako't nanonood ng netflix. Alas siyete na ng gabi at katatapos lang naming kumbinsihin si Hazel na kumain. Gan'to kami for one wekk straight sa kaniya.

I suddenly heard a notification from my phone. Binaba ko ang chips na hawak ko at binuksan ang phone ko para basahin ang text.

From: Kyra
Are you coming with us?

To: Kyra
ha? saan?

From: Kyra
Investigate

To: Kyra
sino'ng kasama? loko ka kyra, anong oras na at saka yari tayo

From: Kyra
Meet me and Caleb. Stop worrying too much, Lueese, it's for us din.

I remove my facial mask at washed my face. Nagbihis na rin ako para makipagkita kila Kyra. Gusto ko ring sumama sa kanila kahit natatakot ako na mahuli kami.

Niyaya niya kaming makipag-kita sa school library kung saan namin nakitang patay si Chris, pero mukhang mahihirapan kaming makapasok dahil sa body guard.

Tuwing ganitong oras at araw, si Kuya Denver ang guard dito. Nakakatulog kasi 'yon. Monday, Wednesday and Saturday lang siya rito, so this is the perfect time.

I immediately leave my condo unit and drove all the way to our University. Bahala na si Batman!

When I arrived, I saw Kyra malapit sa gate, hinihintay ako. Kasama niya si Caleb ngayon. Mukhang namo-mroblema sila kung paano makakapasok.

"Ano'ng plano?" I asked them as soon as I got near them.

"We're goin' to sneak in to the library and find some evidences. Kung hihintayin natin ang mga pulis, baka walang mangyari." Kyra said.

"I agree. Ayoko nang makita si Mikayla na umiiyak gabi-gabi dahil sa takot na baka isang araw, isa na naman sa 'tin ang mawala." Caleb said.

I agree. Nakita ko ang impact no'n kay Hazel. I saw how painful it is. Si Aya, Brey at Chris. Tatlong biktima na, hindi na naming hahayaang may kasunod pa.

"Tayo lang tatlo?" I asked them.

"Hindi natin pwedeng yayain sina Chloe dahil magf-freak out 'yon at pipigilan tayo." Kyra said.

"Hindi ko rin pwedeng isama sina Jarenn dahil paniguradong busy 'yong mga 'yon. Kapag naman inaya ko boyfriend mo, papatayin ako no'n dahil isasama ka namin." Caleb stated.

Dahan-dahang kumuha si Caleb ng stick na panungkit sa susi ni Kuya Denver na natutulog ngayon. Susi 'yon ng school na naka-sabit sa pants niya.

Nang matagumpay niya itong nakuha, pinag-usapan namin kung pa'no papatayin ang CCTV.

"CCTV's connected to each other. Kapag namatay ang isa, damay lahat. That explains the footage when... Aya died." Kyra explained to us.

Bakas pa rin sa boses niya ang sakit sa pagkawala ng kaniyang kaibigan. I understand her situation.

Nang magawa ni Caleb na putulin ang wire ng CCTV ay dahan-dahan naming binuksan ang gate. Dahan-dahan din kaming pumasok sa loob. Hindi naman namin pwedeng akyatin ang gate dahil masyadong mataas.

Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon