Disclaimer: No copyright infringement intended. I don't own the copyright of this song. These materials are allowed by Section 107 Copyright Act of 1976 for fair use.
JERIC
"Hindi ba pangako mo no'ng una, tiwala'y iingatan?... Baka naman, sa susunod na habang-buhay, ha-ay...
At kahit nabago na ng oras, ang puso ma'y nabutas... Ikaw pa rin sa susunod na habang-buhay..." pagkanta ko sa bridge part ng "Sa Susunod na Habang-buhay" by Ben&Ben.
"Jeric, you're cutting the strings by strumming so hard," reklamo ni Jamiel bago sinubukang kuhanin ang gitara, pero tumanggi ako. "I swear, that guitar is so expensive."
Dinilaan ko lang siya. "Huwag ka ngang magulo, Jamiel. Naghahanda ako para sa wedding proposal ko kay baby Lueese."
"Ha?! Anong wedding proposal? Tangina mo, sure ka ba o baka naman naka-inom ka?!" gulat na tanong ni Jarenn bago yumakap kay Renz.
"Super sure. Sa dami ng nangyayari, ayaw ko nang magsayang ng oras," I answered. "Tsaka, may pananagutan ako sa kaniya, pare."
"Anong pananagutan? Nag-cheat ka ba? Gagi ka, kung nag-cheat ka, ako puputol sa ulo mo... Dalawang ulo!" pagbabanta ni Daniel sa akin.
"Sira ulo!" ganti ko sa kaniya. "Tanga, ang ibig kong sabihin ay gusto ko lang naman siyang bigyan ng assurance na hindi ko siya iiwanan!"
"Sobrang tamis!" pang-aasar naman ni Nathan at yumakap pa kay Caleb. Imbes na tanggalin niya ang pagkakayakap, nakipag-cuddle pa siya. Lakas!
"Have you spoken with her father yet?" seryosong tanong ni Renz sa akin bago kumuha ng pack ng chichirya at binuksan.
Ngumiti ako nang proud at tumapik pa sa dibdib ko. "Ako pa ba, Pres? Siyempre naman. Tsaka nagpa-alam na ako kay Lord. Hindi man sumagot, pero alam kong 'yes' ang sinabi niya." mas lumawak ang ngiti.
Ngumiti rin siya sa akin. "I hope He bless you and Lueese. Ang ganda niyang ginawa mo."
Ang ganda na ng moment pero bigla akong binatukan ni Jamiel. Tinitigan ko siya nang masama. "Ano ba?!" Iritang tanong ko.
Tumawa siya sa akin. "I hope you won't hurt her," he warned. "I don't care if we are best friends, Jeric."
"Kaya nga!" Rheeon chimed. "Kita mo ba 'tong biceps ko?" nag-flex siya at tinapik pa iyon. "Aabangan ka namin sa gate, gago!"
Jairel chuckled. "Pasensya ka na, Jeric. Ganiyan talaga kapag naka-halik kay Kyra."
As soon as he said that, tinakluban niya ang sarili niyang bibig. Hindi man lang siya inaway ni Rheeon at parang proud pa.
"Tangina, napaka-landi mo talaga, Rheeon!" nag-reklamo naman si Nathan. "Kailan 'yon nangyari?"
Tumawa si Ian bago sinakal nang pabiro si Rheeon. "Ikaw na ba ang sunod na magpo-propose?"
Umiling si Rheeon. "Tanga, hindi pa nga kami. Tsaka, baka si Caleb ang mauna. May plano na 'yan, eh, after makapasok sa trabaho." tinuro niya ang isa pang tanga.
"Sure naman na ang position ko sa sarili naming company kaya wala nang problema. Ikaw, Jeric, huwag mong iiwan si Lueese." pagtapik niya sa balikat ko.
"Hinding-hindi ko iiwan si Lueese. Hindi ko siya gagaguhin at hindi ko siya sasaktan." nakangiting sabi ko sa kanila
I can't imagine myself hurting Lueese. I love her so much. To the point na kaya kong ibigay pati buhay ko para sa kaniya.
"Tahimik ni Leo, ah? Bakit?" tanong sa kaniya ni Jarenn na halatang nagbibiro na naman.
BINABASA MO ANG
Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)
Mystery / ThrillerAt University of Makiling, a quiet school quickly turns into a living nightmare. One by one, students are found brutally murdered, with no obvious connection between the victims. The unsettling part? The killer is someone close to them - a friend, a...
