"Nandito na ba ang lahat?" Tanong ni Renzo sa 'min na mayroong hawak na notebook. Mukha siyang pastor—gwapong pastor.
May meeting kasi lahat ng may sinalihang organization sa 'min dahil mayroong paparating na event dito sa UM. Complete pa talaga kami. Magkakaro'n daw kami ng Celebration dahil 55 years na ang University of Makiling.
Renzo is the speaker for today as UM's SSLG President or Supreme Student Learner's Government President.
I am here as a school Vice President. Usually, chill lang ako dahil ang part ko lang naman dito ay katuwang ni Pres at nahihiya akong aminin pero nage-enjoy ako.
Si Jamiel at Hazel ay nasa music club. Hazel is their club's President. Bagay sa kaniya iyon dahil sa totoo lang wholesome ang kaniyang music taste tapos mabilis din siyang matuto ng mga bagay na mayroong kinalaman sa musika. Si Jamiel, hindi naman singer 'yan pero mahilig siyang mag-explore.
Sina Lueese, Jian at Mikayla naman ay nasa dance club. President nila 'yong isa naming block mate, si Dominique. Nakakatuwa rin kasi ito lang ang unang beses na sumali si Mikayla sa ganito, malamang napilit na naman siya ni Lueese. May talento talaga si Mikayla sa pagsayaw, hindi niya lang inaamin sa sarili niya.
Sina Jarenn at Alex sa arts club. Nakikita ko ang potential ni Alex na maging isang Architect at pwede ring painter, more on portraits. Si Jarenn, magaling naman siya sa mga landscapes. He actually gifted me one for my birthday—it was China, I don't know if he's being racist or a fucker.
Si Caleb ay ang SSLG Protocol Officer. Si Kyra ang Treasurer ng school. Marami na ring napatunayan si Caleb dito dahil most of the rules came from him obviously because it's his work. Pakiramdam ko rin kaya naboto si Kyra as Treasurer kasi mayaman siya at hindi niya iisiping maging corrupt. Tsaka, ayaw na ayaw rin niya sa corruption.
Jamiel held my hand as soon as I sat. "Gusto mo ba ng kape?" tanong niya na nakatingin sa akin nang maigi.
Tumango ako bago niya ako inabutan ng caramel macchiato. Ngumiti siya bago naupo sa tabi ko. Sa kabila naman ay si Alex na sinundan ni Jian.
Humigop na ako ng kape at nakinig kay Renzo na nakatayo sa harapan. Nagsimula na siyang magsalita. Nag-assign na rin siya ng gagawin sa bawat club.
"If you have any suggestions, raise your hand."
Jian raised her hand na naka-kuha ng atensyon namin. Tumingin sa kaniya si Renzo at sinenyasang magsalita.
"I suggest if magkakaroon tayo ng raffle or BINGO, tapos ang malilikom nating pera ay pwedeng gamitin dito sa school," she suggested. "It is a big factor to claim some money so we could like provide another... I don't know... like classroom?" She shrugged, unsure of the point of her idea.
Renzo just gave her a nod. Muli siyang tumingin sa paligin kaya tumaas ako ng kamay.
Baby, listen to me. This is not you.
"Yes, Miss Lim?"
"I suggest na aside sa raffle and BINGO, we should add some activities na mage-enjoy ang students, like photo booth or confession booth na pwede silang maghulog ng mga barya. Malaking factor lang na makapag-enjoy sila. Raffle and BINGO would be fun, but also can cause fight like what happened last month." I suggested. Nakatitig lang siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin at umupo.
Last month kasi, birthday ng Principal kaya may celebration kami. Mayroong napikon sa BINGO, raffle at horror booth, ayun! Nagsuntukan.
"Parang ayaw niya," bulong sa akin ni Alex na nang-aasar. Tumawa siya nang mahina dahilan para mapikon ako. "Kawawa naman si Chloe."
BINABASA MO ANG
Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)
Mystery / ThrillerAt University of Makiling, a quiet school quickly turns into a living nightmare. One by one, students are found brutally murdered, with no obvious connection between the victims. The unsettling part? The killer is someone close to them - a friend, a...
