03

26 4 0
                                    

TW: language


From: Kyra
Meet me.


She sent me the location. Doon sa restaurant malapit sa University namin. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa mga friends ko, pero nandito naman 'yung boys, so kampante ako.


"Guys, I have an emergency. May kailangan akong puntahan. So, mauna na 'ko." Pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko.


"Okay. Take care." Sabi sa 'kin ni Lueese. She waved at me and gave me a smile.


I can't let them know about this. They'll probably freak out. Hindi ko alam ang ebidensyang sinasabi ni Kyra. Kailangan ko munang kumpirmahin na tama 'yon... na against kay Mikayla 'yon.


Wala akong dalang kotse kaya nag-taxi ako papunta sa restaurant na sinasabi ni Kyra. Nagtataka ako kanina kung bakit ako ang kailangan niyang kausapin, pero naiintindihan ko na ngayon dahil aawayin siya agad ng mga kaibigan ko.


"Where's the evidence?" I asked Kyra as soon as I enter the restaurant. Hindi ako umupo at nilahad lang ang palad ko sa kaniya.


"You're so rude. Wala man lang 'hello'? Or kiss?" She teased me with a smirk plastered on her face.


"I don't have a time for this sick jokes, Kyra. Show me the evidence you're talking about." I said.


"Calm down. Take a seat muna." She said.


Kalmado naman ako. Hindi ko lang maiwasang kabahan para sa kaibigan ko. I don't wanna doubt her, pero hindi ko rin alam kung ano'ng ie-expect ko.


She handed me a handkerchief placed in a plastic bag, kasama ang piraso ng basag na bote. Sa isang plastic bag naman naka-sealed ang tissue na mayroong dugo.


"What am I gonna do to this?" I asked.


"Look, honey. Kay Mikayla 'to, right?" She showed me the handkerchief na mayroong naka-sulat na 'M.M.M.M.'. Initials ni Mikayla.


Mikayla Maxine Mendoza Morales.


Sa kaniya 'to. Lahat ng panyo niya'y mayroong gan'to. It's just a coincidence. Burara lang si Mikayla kaya kung saan-saan 'to napapadpad.


"So? Malay natin kung naiwan niya lang 'to ro'n." Sabi ko sa kaniya, pero hinarap niya ulit sa akin ang plastic bag.


"Oh. So pati ito naiwan lang din?" She pointed out the piece of broken glass.


I looked at her with full of confusion in ny face. Ano ang kinalaman ng bagay na 'to?


"Listen, Chloe. I saw the CCTV footage. Nando'n si Mikayla. I saw her holding this." She said. "Nakita rin natin na mayroong naka-sulat sa paa ni Aria gamit ang isang matalim na bagay." She added. "Isa pa, ini-imbestigahan pa 'yung ibang footage."


"Nakita mo ba lahat?" I asked her.


"Na-cut ang video bago at pagkatapos ng pagpatay kay Aya. I was so sure that your friend killed my friend, Chloe. Are you blind ba?"

I tried to connect all dots. Si Mikayla lang ang makakasagot do'n. I don't know kung ano'ng paniniwalaan ko. Maybe she left this lang. Baka napa-paranoid lang si Kyra?


"And this tissue, it was found sa tabi ng broken glass." Kyra explained. "At lahat ng finger prints na narito ay iisa lang. It belongs to Mikayla."


"Hindi nahagip ng CCTV ang nangyari?" I asked again. "Pati ang pagpasok ni Aya sa banyo? O kung sino ang kasunod niya."


She laughed at me. "Sino'ng tangang papatay ng tao sa harap ng CCTV, Chloe? Of course the killer made a move and shut the CCTV off during the 'killing' time."


Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon