A/N: yie, inedit
____________________________________________________________________________________________
"Sakit ng ulo ko." reklamo ni Jeric habang minamasahe ang sentido niya. Kakagising niya lang at siya ang victim ng kalokohan.
Itong walang awang si Caleb, nagsalin agad ng herbal tea sa baso at iniabot kay Jeric. Itong si Jeric naman, uto-uto!
"Ano 'to?" tanong nito at itinuro ang inaabot sa kaniya ni Caleb. He runs his hand through his hair to fix the mess.
"Goods 'to sa hangover," sagot ni Caleb at inosenteng ngumiti sa kaibigan namin. "Try mo. Thanks me later."
Siraulo talaga. Mamaya magpikunan na naman sila at magsuntukan. Parang daily routine na nila ang magbugbugan, eh.
Randam ko ang pagpipigil nila ng tawa. Si Lueese lalo! Nakatakip pa siya ng bibig.
Tinanggap iyon ni Jeric at walang kung ano ano'y ininom. Tutok na tutok si Caleb na naghihintay ng reaksyon mula kay Jeric. Nagulat ako nang bigla siyang napabuga at umubo.
"Tang ina mo, Caleb Yoriko!" Sabi ni Jeric at saka tinaas ang middle finger niya kay Caleb. "Sinusumpa kita. Masasangkot ka sa car accident kasama girlfriend mo."
"Idadamay mo pa 'ko." Mikayla said nonchalantly. She's eating her ice cream while giving Jeric middle finger.
Binigyan ni Lueese ng tubig si Jeric habang tumatawa. Malalaman mo na siya ang the one kapag mas inuna ka pa niyang tawanan kesa tulungan.
Ang ending, nag-habulan na naman silang dalawa para magsakalan. Hinayaan na lang namin sila at pumunta na sa kusina.
Kumain na kami ng breakfast nang sabay-sabay. Katabi ko si Renzo at Hazel na malakas din ang hangover.
"Ayos ka lang?" tanong ko kay Hazel na kanina pa nakayuko at nagmamasahe ng ulo. May nakalagay pa na tissue sa kaliwang ilong niya na may pahid na vicks.
"Hindi," sagot niya na parang naiiyak na. "Sakit ng ulo ko, bes." sumandal siya sa braso ko at minasahe ang sentido.
"Inom ka pa. Akala mo kasi ang taas ng alcohol tolerance mo. Expected mo nang sasakit ang ulo mo, dinamihan mo pa ang inom. Ayan ang napapala mo." panenermon ko sa kaniya bago siya inabutan ng tubig.
"Thank you sa tulong, ha!" sarkastiko niyang sabi bago umayos ng upo. "Laking tulong, bes."
"Demanding," bulong ko na hindi naman nakatakas sa pandinig niya kaya inirapan niya lang ako. "Ikaw na nga tinutulungan, eh."
"Oh, kay Chloe daw 'tong adobong repolyo. Itong natirang gulay dito, kanino 'to?" tanong ni Lueese at inangat ang plato na mayroong gulay.
"Kay Mikayla na 'yan. Wala pa siyang pagkain, 'di ba?" sagot ni Jeric at kumuha ng separate plate.
Si gentleman siya, eh. Si Jeric kapag kausap ang tropang lalaki, bagulan. Kapag kausap ang tropang babae, very Kuya coded. Dahil ba matanda na siya?
"Akin na. Hindi 'yan siya kumakain ng ganiyang klaseng gulay. Ako na lang kakain." Caleb snatched the plate from Jeric. Sinandukan niya rin si Mikayla ng pagkain na ang ulam ay karne.
Hindi naman talaga picky eater si Mikayla. Sadyang hindi lang siya kumakain masiyado ng gulay. Nakakapagtaka dahil ang healthy niya pa rin. Baka naman buntis siya? Charot!
Nagaway-away pa kami sandali sa ulam bago kumain. We enjoyed the meal together. After that, nag-ayaan kaming mag-photoshoot sa dagat.
"Ako muna!" Sabi ni Hazel na parang walang hangover kanina. May suot na siyang red two piece na bumagay sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Unsolved Mystery (Nilacabb Series #1)
Mystery / ThrillerAt University of Makiling, a quiet school quickly turns into a living nightmare. One by one, students are found brutally murdered, with no obvious connection between the victims. The unsettling part? The killer is someone close to them - a friend, a...
